Florante at Laura/Kabanata 1: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 39:
Selya'y talastas ko't malalim na [[:wikt:umid|umid]],
mangmang ang [[:wikt:Musa|Musa]] ko't malumbay na tinig;
'di kinabahagya kung hindi [[:wikt:malait|malait]],
palaring dinggin mo ng tainga't isip.

Ito'y unang bukal ng bait kong [[:wikt:kutad|kutad]]
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

Kung kasadlakan man ng pula't [[:wikt:pag-ayop|pag-ayop]],
tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.<ref>Si Balagtas ang tinutukoy.</ref>

Masasayang [[:wikt:Ninfas|Ninfas]] sa lawa ng Bai,
[[:wikt:Sirenas|Sirenas]], ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang M.A.R.<ref>Binabasa nang /eme-a-erre/ ([[:w:Wikang Kastila|Kastilang]] pagbikas).</ref>
sa Birheng<ref>Ang tinutukoy ay si [[:w:Maria|Maria]] ng [[:w:Kristyanismo|Kristyanismo]].</ref> mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.<ref>Binabasa nang /efe-be/ (Kastilang pagbigkas).</ref>