Florante at Laura/Kabanata 1: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
mNo edit summary
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 7:

Kung [[:wikt:pagsaulan|pagsaulan]] kong basahin<ref>Ginagamit sa katuturan ng "aalalahanin" o "isipin".</ref> sa isip
ang [[:wikt:nangakaraang|nangakaraang]] araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na<ref>Bagaman ang tamang bigkas ay "libang", ginamit ito para mapanatili ang 12 patnig.</ref>kay Selyang<ref>bansag na ibinigay ni Balagtas sa dating kasintahan</ref> namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinapanganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog [[:wikt:niring|niring]] kapalaran
sa lubhang malalim na [[:wikt:karalitaan|karalitaan]].
Linya 22:

'Di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik<ref>Ginagamit sa katuturan ng "nangungusap", hindi sa "pakikiapid" o "pagsisiping".</ref>
sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-langit,
paraiso naman ang may tulong-silid.

Nililigawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog<ref>Walang kaugnayan sa [[:w:lungsod ng Makati|Lungsod ng Makati]] o sa pangangailangan ng pagkamot, kundi ito ay mula sa salitang "kati", na nangangahulugang taas ng tubig sa dagat.</ref> na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan<ref>mula sa "daungan"</ref>,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandi't parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig [[:wikt:aagap|aagap]],
nang hindi abutin ng [[:wikt:tabsing|tabsing]] sa dagat.

Parang naririnig ang lagi mong wika:
"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa-
"Sa isang katao'y marami ang handa."

Anupa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y [[:wikt:lagaslas|lagaslas]],
sabay ang [[:wikt:taghoy|taghoy]] kong "O, nasawing palad!"