Tagalog/Pangngalan: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
TemTem (usapan | ambag)
m Tanggalin ang pagbabagong 23545 ni Gyhgyhgyhgyh (Usapan)
Tatak: Undo
Linya 4:
Ang mga pangngalan ay maaaring iuri ayon sa dalawang klasipikasyon - pansemantika at pangkayarian.
 
=== Pansemantika ===
hi
Ang ibig sabihin ng semantika ay ang lohikal na koneksyon ng isang salita sa isang konsepto, tulad ng isang nahahawakang bagay o isang makataong damdamin. Mayroon dalawang paraan upang iuri ang mga pangngalan sa ilalim nito - ayon sa diwang panlahatan o sa pagkatahas nito.
 
Ayon sa diwang panlahatan, maaari nating iuri ang mga pangngalan bilang ''pambalana'' o ''pantangi''. Ang pangngalan ay ''pambalana'' kung ito ay tumutukoy sa isang pangkalahatan na diwa ngunit hindi tiyak ang pagkakakilanlan nito. Sa kabilang banda, ito ay ''pantangi'' kung ito ay tumutukoy ito sa isang tanging tao, bagay, hayop, atbp. Lahat ng mga pangngalang pantangi ay palaging isinusulat nang malaki ang unang titik nito. Sa kabilang banda, ang mga pambalana naman ay palaging isinusulat nang maliit ang unang titik maliban kung ito ay nasa unahan ng isang pangungusap.
 
{{halimbawa | pambalana: tao, halaman, wika, ilog, gulong; pantangi: Tess, Jordan, Mongol, Junjun, Kuting}}
 
Ayon sa pagkatahas nito, maaari nating iuri ang mga pangngalan bilang ''tahas'' o ''basal''. Ang pangngalan ay ''tahas'' kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na materyal, lalo na kung ito ay nahahawakan o nakikita. Sa kabilang banda, ito ay ''basal'' kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na katangian, 'di nakikita, o imahinasyon lamang ng utak ng tao. Ang mga pangngalang tahas naman ay maaari pang iuri sa dalawang klase kung palansak ito o hindi. Ito ay ''palansak'' kung tumutukoy ito sa isang pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Ito naman ay '''di-palansak'' kung tumutukoy ito sa bagay na isa-isa lamang.
 
{{halimbawa | tahas (palansak): lahi, tumpok, buwig, sako, kaban; tahas ('di-palansak): bola, bahay, kompyuter, lapis, lupa; basal: pagmamahal, kapayapaan, diskarte, ganda, tiwala}}
 
=== Pangkayarian ===