Ibong Adarna/Kabanata 13: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
rv
Linya 1:
{{Ibong Adarna}}
Ching Chong
==Buod==
 
Isang buwang naglakbay si Don Juan sakay sa agila at sa wakas ay nakarating din sa kaharian ng de los Crystales. Doon ay inilapag siya sa paliguan ng tatlong maririkit na prinsesa. Hindi naman nahihirapan si Don Juan na kilalanin si Doña Maria dahil sa namumukod tanging kagandahan na taglay nito. Nabighani nang husto si Don Juan sa kanya, kaya naman kinuha niya ang damit nito. Nang malamang kasuota'y nawawala, galit na galit ang prinsesa. Bago pa mag-ikalima ng umaga, humarap at nagpakita si Don Juan. Lumuhod ito sa harapan, at humingi ng kapatawaran sa ginawang kapangahasan. Nabawasan ang galit ni Doña Maria at nahabag sa ginawang pagsamo ng prinsipeng sa kanya'y may pagsinta. Umibig din si Doña Maria kay Don Juan. Binigyan niya ang prinsipe ng mga tagubilin upang maiwasan nito ang kapahamakang sinapit ng iba na ginawang mga bato ng kanyang ama. Sinabi ng prinsesa na tuwing ikalima ng umaga gumigising ang ama niya. Kapag tinanong siya tungkol sa layon ng kanyang pagpaparoo'y kailangan niyang sagutin ito na upang maglingkod at maging gantimpala ang sa anak ay makasal. Kung aanyayahan naman siya napumanhik sa palasyo, pasalamatan ang paanyaya ngunit huwag paunlakan. Pinakahuli ay kailangang maging handa ang prinsipe sa mga kautusan ng hari. Si Doña Maria naman ang bahalang tumupad sa mga kahilingan ng kanyang ama. gabi ng umaga ay pumunta si don juan sa palasyo at nakipag usap kay haring salermo.
 
 
[[Category: Ibong Adarna|13]]