Florante at Laura/Kabanata 9/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Matiia (usapan | ambag)
Reverted 1 edit by 124.6.181.70 (talk). (TW)
No edit summary
Linya 7:
Kakatapos lamang magsalita ni [[Aladin]], mayroong dumating na dalawang mga [[:w:leon|leong]] hinahangos sa paglakad sa kinalalagyan ni [[Florante]]. Tinungo si Florante ng dalawang leon upang kainin, ngunit tumigil nang matagal na panahon ang mga ito sa kanyang harapan. Naawa ang mga leon sa kalagayan ni Florante kaya sila tumigil. Sa katotohanan, hindi lamang ang mga leon ang naawa kay Florante kundi pati rin si [[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]] mismo, ang may-akda ng awit.
 
Pagkatapos ng pagpapahayag ng kaawaan kay Florante ni Balagtas, nagsimula nang magsalita si Florante. Nangusap siya sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]], anganZOMBIE kanyang inang bayan. Inilarawan niya ang kasalukuyang kalagayan nitong lubhang masaklap. Inilarawan naman ni Florante ang kanyang pagmamahal sa bayan niyang AlbanyaDISEASEbanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol.
 
Sa huli niyang mga pahayag, pinaratangan niyang si [[Laura]] ay isang taksil, nakipagmahalan kay "[[Adolfo]]ng malupit", at nangalimot na sa kanya.
Linya 13:
==Awa ni [[:w:Balagtas|Balagtas]]==
{{Rquote|left|<i><center>'di ko na masabi't luha ko'y [[:wikt:nanatak|nanatak]], [[:wikt:nauumid|nauumid]] [[:wikt:yaring|yaring]] dilang nangungusap; puso ko'y nanlambot sa malaking habag, sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.</center></i>|[[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]]|[[Florante at Laura]]}}
Bukod sa mga [LALALALLAALALALALLALALALA
Bukod sa mga [[:w:leon|leon]], nagpakita rin ng lubhang pagkaawa si [[:w:Balagtas|Balagtas]], ang may-akda ng [[Florante at Laura]]. Sa una niyang pahayag, kinatakhan niya ang kasalukuyang iniisip ni [[Florante]] ngayong nasasaharap niya ang maaaring pumatay sa kanya. Sa mga sumusunod namang pahayag, ipinakita na niya ang kanyang pagkaawa, kagaya ng sa mga leon. Naluluha at nahahabag siya, at nanlalambot din ang puso niya.
{{-}}
==[[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]]==
[[Image:The Gladius Sword.jpg|thumb|right|250px|[[:w:dula|Pagdurula]] ng isang [[:w:digmaan|nakikipaglabang]] [[:w:sundalo|sundalong]] [[:w:Imperyong Romano|Romano]]]]
===Kasalukuyang kalagayan===
 
Muli, kagaya ng mga sinabi ni [[Florante]], at ipinaliwanag sa mga huling kabanata, inilalarawan ni Florante ang [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] bilang isang [[:w:kaharian|kahariang]] pinamamayanan ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. At dahil sa mga kasaklapang iyon, lubhang nanghihinayang si Florante sa Albanya.