Noli Me Tangere/Kabanata 48: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
No edit summary |
No edit summary |
||
Linya 1:
Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na.
|