Tagalog/Pang-ugnay: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Matiia (usapan | ambag)
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.149.248.59 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Matiia
Linya 4:
 
==Pang-abayukol==
Ang '''pang-ukol''' (Ingles: ''preposition'') ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
An
 
::::''sa    para sa    ayon   
::::''para kay    tungkol sa    na may''
 
Halimbawa: Ang kanyang nilutong ulam ay <u>para</u> sa kanyang asawa at mga anak.
 
====Mga Gamit ng Pang-ukol====
1. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa: Ang pera ay ''nasa'' loob ng kuwarto ni Coby.
 
2. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang bagong damit ay ''para kay'' Lita.
 
3. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay ''para sa'' <u>kababaihan</u>.
Marami <u>siyang</u> kinuwento ''tungkol sa'' pagpapalago ng negosyo.
 
==Pangatnig==
Ang '''Pangatnig''' (''Conjunction'' sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap:
A
 
::::''at &nbsp;&nbsp; pati &nbsp;&nbsp; saka &nbsp;&nbsp; o &nbsp;&nbsp; ni &nbsp;&nbsp; maging &nbsp;&nbsp; subalit &nbsp;&nbsp; ngunit''
::::''kung &nbsp;&nbsp; bago &nbsp;&nbsp; upang &nbsp;&nbsp; sana &nbsp;&nbsp; dahil sa &nbsp;&nbsp; sapagkat''
 
 
====Dalawang salitang pinag-ugnay====
 
====Pamukod====
:::Halimbawa:
:::Ang paglalaba ng damit '''''at''''' paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.
mahal kita '''maging''' sino ka man
 
===Uri ng Pangatnig===
====Paninsay===
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
::::''at &nbsp;&nbsp; saka &nbsp;&nbsp; pati &nbsp;&nbsp; ngunit &nbsp;&nbsp; maging &nbsp;&nbsp; datapuwat &nbsp;&nbsp; subalit''
::Halimbawa:
::::Gusto niyang bumili ng damit, '''''ngunit''''' wala siyang pera.
::::Naglinis muna si Hannah, '''''saka''''' siya nagluto.
 
====Pantulong====
Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.
::::''kung &nbsp;&nbsp; kapag &nbsp;&nbsp; upang &nbsp;&nbsp; para &nbsp;&nbsp; nang &nbsp;&nbsp; sapagkat &nbsp;&nbsp; dahil sa''
::Halimbawa:
::::Nag-trabaho siya ng mabuti, '''''para''''' makabili siya ng damit.
::::Umasenso ang kanyang buhay, '''''dahil''''' sa kanyang pagsisikap.
 
==Pang-angkop==
Ang '''pang-angkop''' (''ligatures'' sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Tatlo ang pang-angkop na ginagamit: '''na''', '''-g''', at '''-ng'''.
 
===Wastong Paggamit ng Pang-angkop===
 
Inilalagay ang '''na''' sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna'y nagtatapos sa katinig maliban sa n. Halimbawa: masarap ''na'' pagkain, malinis ''na'' bahay, masinop ''na'' tao, matatag ''na'' kinabukasan, marangal ''na'' pag-uugali, maayos ''na'' pamumuhay.
 
Ikinakabit ang '''-g''' sa nauunang salitang nagtatapos sa letrang n sa magkasunod na salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa: bayan''g'' magiliw, mahinahon''g'' pakikipag-usap, makabuluhan''g'' gawain, maalinsangan''g'' lugar, pahayagan''g'' makatotohanan.
 
Ikinakabit ang '''-ng''' sa nauunang salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) sa magkasunod na salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa: bago''ng'' bayani, maganda''ng'' binibini, mabuti''ng'' anak, matindi''ng'' takot, makatao''ng'' pulitiko, masaya''ng'' naglalaro.
 
===Mga salitang inuugnay ng pang-angkop===
====Pang-uri at Pangngalan====
Halimbawa: Masama sa may diabetes ang ''matatamis '''na''' pagkain''.
 
====Pang-abay at Pang-abay====
Halimbawa: ''Sadya'''ng''' mabilis'' lumangoy ang isda.
 
====Pang-abay at Pang-uri====
Halimbawa: ''Likas '''na''' pogi'' ako.
 
====Pang-abay at Pandiwa====
Halimbawa: Si Chloe at Jane ay ''natulog '''nang''' natapos'' siya maglaro.
 
[[Category:Tagalog|Pang-ugnay]]