Florante at Laura/Kabanata 11: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
Tropicalkitty (usapan | ambag) Tanggalin ang pagbabagong 16635 ni 112.198.64.8 (Usapan) |
Tropicalkitty (usapan | ambag) eek |

Linya 1:
{{Florante at Laura|awit|11| A = Habag sa Moro
| B = Pagtatagumpay ng Bagong Marte
| K = Paglingap ng Persyano
| Kasalukuyan =
Sa [[:wikt:pagkalungayngay|pagkalungayngay]] mata'y idinilat,
himutok ang unang bati sa liwanag;
sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
"Nasaan ka, [[Laura]], sa ganitong hirap?"

"Halina, giliw ko't gapos ko'y [[:wikt:kalagin|kalagin]],
kung mamatay ako'y gunitain mo rin;"
pumikit na muli't napatid ang daing,
sa may kandong naman takot na sagutin.

Ipinanganganib ay baka mabigla,
magpatuloy mapatid hiningang mahina;
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na [[:wikt:lipos-dalita|lipos-dalita]].

Nang muling mamulat ay [[:wikt:nagitlahanan|nagitlahanan]],
"Sino? Sa aba ko't nasa [[:w:Moro|Morong]] kamay!"
Ibig na [[:wikt:iigtad|iigtad]] ang [[:wikt:lunong|lunong]] katawan,
nang hindi mangyari'y [[:wikt:nagngalit|nagngalit]] na lamang.

Sagot ng [[:wikt:gerero'y|gerero'y]] "Huwag kang manganib,
sumapayapa ka't mag-aliw ng dibdib;
ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik."

"Kung nasusuklam ka sa aking kandungan
lason sa puso mo ang hindi binyagan;
nakukutya akong 'di ka saklolohan
sa iyong nasapit na [[:wikt:napakarawal|napakarawal]]."

"Ipinahayag ng [[:wikt:pananmit|pananmit]]<ref>Ipinaikli ang salitang "[[:wikt:pananamit|pananamit]]" sa "[[:wikt:pananmit|pananmit]]" upang maipagkasya ang [[:w:sugnay|sugnay]] sa [[:w:taludtod|taludtod]] na maaari lamang maglaman ng 12 [[:w:pantig|pantig]].</ref> mo,
[[:w:Albanes (pangkat etniko)|taga-Albanya]] ka at ako'y [[:w:Pesyano (grupong etniko)|Persiyano]];
ikaw ay kaaway ng baya't [[:w:sekta|sekta]] ko,
sa lagay mo ngayo'y [[:wikt:magkatoto|magkatoto]] tayo."

"Moro ako'y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng Langit<ref>Itinutukoy ditoa ang [[:w:Diyos|Diyos]]</ref>;
[[:wikt:dini|dini]] sa puso ko'y kusang natititik —
natural na [[:wikt:ley-ing|ley-ing]] sa aba'y mahapis."

"Anong gagawin ko'y aking napakinggan
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita't [[:wikt:pamumutiwanan|pamumutiwanan]]
ng dalawang [[:wikt:ganid|ganid]], ng bangis na [[:wikt:tangan|tangan]]."

Nagbuntung-hininga itong abang kalong
at sa umaaliw na Moro'y tumugon,
"Kundi mo [[:wikt:kinalag|kinalag]] sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa tiyan ng leon."

"Payapa na naman [[:wikt:disin|disin]] [[:wikt:yaring|yaring]] dibdib,
napagkikilalang kaaway kang labis;
at 'di binayaang nagkapatid-patid
ang aking hiningang kamataya't sakit."

"Itong iyong awa'y 'di ko hinahangad,
patayin mo ako'y siyang [[:wikt:pitang|pitang]] habag;
'di mo [[:wikt:tanto|tanto]] yaring binabtang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap."

Dito napahiyaw sa malaking hapis
ang Morong may awa't luha'y [[:wikt:tumagistis|tumagistis]];
siyang itinugon sa wikang narinig,
at sa [[:wikt:panlulumo'y|panlulumo'y]] kusang napahilig.
| Orihinal =
Sa pagcalun͠gay-n͠gay matá,i, idinilat,
himutóc ang unang bati sa liuanag,
sinundan n͠g taghoy na cahabaghabág
"nasaan ca Laura sa ganitong hirap?

Halina guiliu co,t, gapus co,i, calaguín,
cong mamatáy acó,i, gunitain mo rin,
pumiquít na muli,t, napatid ang daing,
sa may candóng namang tacot na sagutin.

Ipina-n͠gan͠ganib, ay bacá mabiglâ
magtuloy mapatid hiningang mahinâ
hinintáy na lubós niyang mapayapá
ang loob n͠g candóng na lipus dálità.

Nang muling mamulat ay naguiclahanan
"¿sino? ¡Sa aba co,t, na sa morong camay!"
ibig na i-igtád ang lunóng catao-án,
nang hindî mangyari,i, nag-ngalit na lamang.

Sagót n͠g guerrero,i, houag na man͠ganib
sumapayapaca,t, mag aliu n͠g dibdib
n͠gayo,i, ligtas cana sa lahát nang sáquit
may cálong sa iyo ang nagtatangquilic.

Cung nasusuclám ca sa aquing candun͠gan,
lason sa púso mo nang hindi binyagan,
nacucut-ya acóng dí ca saclolohan
sa iyong nasapit na napacarauál.

Ipina-hahayág n͠g pananamít mo
tagá Albania ca at aco,i, Perciano
icao ay caauay n͠g baya,t, secta co,
sa lagay mo n͠gayo,i, magcatoto tayo.

Moro aco,i, lubós na táong may dibdib,
ay nasasacalo rin ng útos ng Lan͠git,
dini sa púso co,i, cusang natititic
natural na leyng sa abá,i, mahapis.

Anong gagauín co,i, aquing napaquingán
ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay,
gapús na naquita,t, pamu-mutiuanan
ng dalauáng gánid, n͠g bangís na tangan.

Nagbuntóng hini͠gá itong abáng calong
at sa umaaliu na moro,i, tumugón,
"cundîmo quinalág sa punu n͠g cahoy,
nalibíng na acó sa tiyán n͠g León.

Payapa na namán disin yaring dibdib;
napag-quiquilalang ca-auay cang labis
at dî binaya-ang nagca-patid-patid,
ang aquing hinin͠gáng camataya,t, saquit.

Itóng iyóng aua,i, dî co hinahan͠gád,
pataín mo acó,i, siyang pitang habág,
dimo tantô yaring binabatáng hirap
na ang camatayan ang búhay cong hanap.

Dito napahiyao sa malaquing hapis
ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís,
siyang itinugón sa uicang narin͠gig
at sa panglolomo,i, cusang napahilig.}}