Florante at Laura/Kabanata 9/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Tinanggal ang laman ng pahina
Matiia (usapan | ambag)
Reverted 1 edit by 124.6.181.70 (talk). (TW)
Linya 1:
{{Florante at Laura|paliwanag|9| A = Sa Harap ng Panganib
| B = Paghahambing sa Dalawang Ama
| K = Pagtatagumpay ng Bagong Marte
| Nilalaman =
==Buod==
[[Image:Lions - melbourne zoo.jpg|360px|thumb|Dalawang [[:w:leon|leong]] namamahinga, at isang natutulog.]]
Kakatapos lamang magsalita ni [[Aladin]], mayroong dumating na dalawang mga [[:w:leon|leong]] hinahangos sa paglakad sa kinalalagyan ni [[Florante]]. Tinungo si Florante ng dalawang leon upang kainin, ngunit tumigil nang matagal na panahon ang mga ito sa kanyang harapan. Naawa ang mga leon sa kalagayan ni Florante kaya sila tumigil. Sa katotohanan, hindi lamang ang mga leon ang naawa kay Florante kundi pati rin si [[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]] mismo, ang may-akda ng awit.
 
Pagkatapos ng pagpapahayag ng kaawaan kay Florante ni Balagtas, nagsimula nang magsalita si Florante. Nangusap siya sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]], ang kanyang inang bayan. Inilarawan niya ang kasalukuyang kalagayan nitong lubhang masaklap. Inilarawan naman ni Florante ang kanyang pagmamahal sa bayan niyang Albanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol.
 
Sa huli niyang mga pahayag, pinaratangan niyang si [[Laura]] ay isang taksil, nakipagmahalan kay "[[Adolfo]]ng malupit", at nangalimot na sa kanya.
 
==Awa ni [[:w:Balagtas|Balagtas]]==
{{Rquote|left|<i><center>'di ko na masabi't luha ko'y [[:wikt:nanatak|nanatak]], [[:wikt:nauumid|nauumid]] [[:wikt:yaring|yaring]] dilang nangungusap; puso ko'y nanlambot sa malaking habag, sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.</center></i>|[[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]]|[[Florante at Laura]]}}
Bukod sa mga [[:w:leon|leon]], nagpakita rin ng lubhang pagkaawa si [[:w:Balagtas|Balagtas]], ang may-akda ng [[Florante at Laura]]. Sa una niyang pahayag, kinatakhan niya ang kasalukuyang iniisip ni [[Florante]] ngayong nasasaharap niya ang maaaring pumatay sa kanya. Sa mga sumusunod namang pahayag, ipinakita na niya ang kanyang pagkaawa, kagaya ng sa mga leon. Naluluha at nahahabag siya, at nanlalambot din ang puso niya.
{{-}}
==[[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]]==
[[Image:The Gladius Sword.jpg|thumb|right|250px|[[:w:dula|Pagdurula]] ng isang [[:w:digmaan|nakikipaglabang]] [[:w:sundalo|sundalong]] [[:w:Imperyong Romano|Romano]]]]
===Kasalukuyang kalagayan===
 
Muli, kagaya ng mga sinabi ni [[Florante]], at ipinaliwanag sa mga huling kabanata, inilalarawan ni Florante ang [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] bilang isang [[:w:kaharian|kahariang]] pinamamayanan ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. At dahil sa mga kasaklapang iyon, lubhang nanghihinayang si Florante sa Albanya.
 
===Mga pahayag ni [[Florante]] sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]]===
 
Sa ikalawang pahayag ni [[Florante]], ihinihiling niyang huwag sanang mapilantikan ang [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] ng mga kalaban nito, at maipagtanggol nito ang sarili gamit ang [[:w:espada|espadang]] kagaya ng binitbit ni Florante upang ipagtanggol ang Albanya.
 
Para kay Florante, pinabayaan na siya ng Albanya, kinasusuklaman ng Albanya ang sinupaan niyang tungkuling magtanggol, at hinayaan pa nitong patayin siya ng mga hayop kahit iginugugol niya sa Albanya ang mga iniyak niyang [[:w:dugo|dugo]], at kung itanggol niya ang Albanya sa mga mananakop nito, nauubos pa ang tulo ng kanyang dugo, nagpapahiwatig ng marahas na digmaang kanyang dinaraan upang maipagtanggol lamang ang Albanya. Sa huli itinuturing ni Floranteng kamatayan ang bayad sa kanya ng Albanya. Lahat ito ay dahil naniniwala si Floranteng kung mahal niya siya ng Albanya, hindi dapat siya nandirito ngayon sa ganitong masaklap na kalagayan.
 
Bagaman dito pinasasalamatan pa rin ni Florante ang Albanya, malamang sa dahilang hangad na ring mamatay ni Florante dahil sa sobrang pagpapasakit at kalungkutan.
 
==Paglalarawan ni [[Florante]] kay [[Laura]]==
{{Rquote|left|<i><center>"Bayang walang loob, sintang [[:wikt:alibugha|alibugha]], [[Adolfo]]ng malupit, [[Laura]]ng [[:wikt:magdaraya|magdaraya]], magdiwang na ngayo't [[:wikt:manulos|manulos]] sa tuwa at masusunod na sa akin ang nasa."</center></i>|[[Florante]]|[[Florante at Laura]]}}
Sa mga huling pitong saknong, binansagan naman ni [[Florante]] si [[Laura]]ng isang mandaraya nang makailang ulit, tahasan at di-tahasan, at si [[Adolfo]] naman bilang malupit. Inihayag niyang dapat nang magsaya sina Adolfo at Laura sa kanyang pagkamatay na, ayon kay Florante, matagal na nilang ninanasa, at malapit na ang kanyang kamatayan, kagaya nang ilang ulit niya nang ipinahayag sa ibang mga kabanata. Ang kamatayang ito, ayon kay Florante, ay hindi man lamang pagluluksaan nang kahit munti ni Laura, nagpapahiwatig ng di-pagmamahal.
 
Sa huli, pinaluha niya ang kanyang sarili ng mga luhang ng[[:w:dugo|dugo]] at ng kanyang [[:w:kaluluwa|kaluluwa]] upang matumbasan ng mga ito ang sakit ng pagkalimot sa kanya ni Laura, at ibiniling huwag iyakan ang kanyang buhay kundi ang pagmamahalang tapos na, malamang, kay Laura ngunit maaari rin sa kanyang sarili.}}