Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mumog na maalat
(Tinuro mula sa Mumog na maalat)
Pakahulugan
baguhinPaghuhugas ng lalamunan ng mainit at maalat na solusyon, sa loob ng ilang saglit.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinahuhupa ang paninikip sa lalamunan.
- Pinalulubay ang mga kalamnan ng lalamunan.
- Binabawasan ang pangangati ng lalamunan.
- Pinahuhupa ang masamang pakiramdam ng lalamunan.
- Naiibsan ang pamamaga.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- Dalawang (2) baso ng mainit na tubig.
- Isang kutsaritang asin — ½ kutsarita bawat baso.
- Isang kutsarita.
Paraan
baguhin- Lagyan ng ½ kutsaritang asin ang isang basong tubig na mainit. Ang tubig ay dapat na kasing-init ng kayang tiisin sa pag-inom. Kanawin ng kutsarita hanggang ang asin ay lubos na matunaw.
- Ang pagmumumog ay dapat na gawin sa lababo ng banyo.
- Maglagay ng sapat na solusyon sa bibig at hayaang dumaloy nang mabuti sa lalamunan sa loob ng ilang saglit bago ito ibuga sa lababo.
- Ipagpatuloy ang paraan ng pagmumumog hanggang ang 2 basong solusyon ay maubos.
- Kung ang karamdaman sa lalamunan ay may pamamalat, ang pagmumumog ng tubig na maalat ay maaaring ulitin tuwing 2 oras sa panahong gising.
- Pinakamabuting gawin ang pagmumumog pagkatapos kumain.
- Pinakamabuting huwag munang uminom ng mga malamig na inumin hanggang hindi gumagaling ang karamdaman.