Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mainit na pomento
(Tinuro mula sa Mainit na pomento)
Pakahulugan
baguhinAng paglalapat ng init sa isang maliit na bahagi sa pamamagitan ng mainit na gasa o damit pampomento.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinabibilis ang sirkulasyon ng dugo sa isang bahagi ng katawan.
- Pinahuhupa ang kirot.
- Binabawasan ang paninikip.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- Isang palanggana ng mainit na tubig (40°C), o kasing-init na kayang tiisin.
- Gasa o damit na pampomento (Iabakara o bimpo) o anumang malinis na piraso ng damit.
- Solusyon ayon sa tagubilin. Maaaring gumamit ng pinakuluang mga dahon ng bayabas para sa naimpeksyong sugat.
- Mga lumang diyaryo para sa mga nagamit na mga bendahe.
- Langis o krema para sa sanggol (gamitin lamang para sa pomento sa mata).
Paraan
baguhin- Magpakulo ng tubig o mga dahon ng bayabas kung ang pomento ay para sa sugat na may impeksyon.
- Lagyan ng langis o krema para sa sanggol ang noo at talukap ng mata, kung ang pomento ay sa mata.
- Pigain ang pomento na itinubog sa mainit na tubig o solusyon. Hawakan ang magkabilang dulo ng damit na pampomento at pilipilin nang bahagya. Ilubog ito sa mainit na tubig o solusyon at pilipitin nang mahigpit na hinihila ang magkabilang dulo upang maalis ang tubig.
- lIapat nang banayad ang pomento sa bahaging gagamutin.
- Palitan ang pomento tuwing 3 minuto. Ang pomentong ginamit sa sugat na may impeksyon ay huwag gamiting muli.
- Ipagpatuloy ang pomento hanggang 15 o 20 minuto, na inuulit tuwing 3 minuto. Panatilihing mainit ang tubig o solusyon.
- Pagkatapos, alisin ang pomento; patuyuin ang bahaging pinomentuhan.
- Pahiran ng gamot o ointment ayon sa tagubilin ng doktor ang mga sugat na may impeksyon, pigsa at ulser.
- Lagyan ng esterilisadong gasa at panatilihing tuyo.
PAG-IINGAT: Huwag maglalagay ng mainit na pomento kung may pagdurugo. |