Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa tibi
(Tinuro mula sa Lunas sa tibi)
Ang tibi ay isang kalagayan ng pagpapalabas ng dumi nang may kahirapan at mahabang panahon ng pagitan.
Abiso
baguhin- Magkaroon ng regular na panahon sa pag-upo sa toilet bowl at magrelaks. Umupo sa panahon bagaman hindi mo nadarama na kailangan ito.
- Mag-ehersisyo nang regular araw-araw.
- Kumain nang maraming berde at madahong gulay at mga sariwang prutas.
Paggamot ng Tubig
baguhin- Uminom nang mga 8 o higit pang baso ng tubig sa araw. Uminom ng 2 baso ng tubig pagkagising sa umaga at isang baso bago matulog.
- Maglabatiba, at dukutin ang dumi kung ito ay buo. (Paraan)
Paggamot ng Halaman
baguhinKangkong
baguhin- Ubusin ang 2 tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
Malunggay
baguhin- Kumain ng isang tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
Hinog na Papaya
baguhin- Kumain ng isang malaking hiwa nito tuwing agahan.
Kampanilya
baguhinPakuluan ng 10 minuto ang 5 dahon sa 2 basong tubig. | |
Dosis: Matanda: 1 baso, 2 ulit maghapon. Bata: (7-12 taon) : 1 tasa, 2 ulit maghapon. (2-6 taon) 1 kutsara, 2 ulit maghapon. |