Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa pamumutok ng balat at dermatitis

Ang dermatitis ay pamamaga ng balat.

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Maligo ng tubig na may halong gawgaw. (Paraan)
  • Huwag magsabon sa paliligo. Huwag kuskusin ng tuwalya ang balat upang patuyuin ito.
  • Pulbusan ang balat ng tuyong gawgaw sa gabi kung ito ay nangangati at tuyo.
  • Huwag kamutin ang balat kung makati.


Paggamot ng Halaman

baguhin

Komprey

baguhin
  Kumuha ng mga dahon at katasin.
    Ipahid ang katas sa lugar na may kapansanan. 3 beses maghapon.

Balete

baguhin
  Pakuluan ng 10 minuto sa ½ galong tubig ang isang tasa ng tinadtad na balat ng balete.
    Hugasan nlto ang bahaging may kapansanan, 2 ulit maghapon. Ito ay maaaring gawin sa halip na paligong may gawgaw.

Kalatsutsi

baguhin
  Kumuha ng dagta sa puno at haluan ng ilang patak na langis
    Lagyan nlto ang balat na may kapansanan.

Kakawate

baguhin
  Kumuha ng 10 dahon at katasin.
    Pahiran ng katas ang nangangating balat ngunit huwag kukuskusin. Lagyan sa tuwing mangangati.