Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Punas para sa lagnat
Pakahulugan
baguhinPaligong-punas ng taong nilalagnat.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinabababa ang lagnat o kaya ay temperatura ng katawan.
- Nakapagpapaginhawa.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- lsang palangganang tubig — temperatura, ayon sa pangangailangan.
- Kumot na pantakip sa maysakit.
- Dalawang tuwalya.
- Isang labakara.
- Mga tipak ng yelo.
- Alkohol.
Mainit na Punas
baguhinIto ay ginagawa sa mga may napakataas na lagnat, ngunit ang mga paa at kamay ay malamig. Ang tubig na pampunas ay kasing-init ng kayang tiisin. Ito ay dapat na gawing mabilis at may pagkuskos upang pasiglahin ang dugo sa balat. Ang pagpunas ay maaaring ulitin pagkaraan ng 1 hanggang 2 oras kung ang lagnat ay nananatili pa rin.
Paraan
baguhin- Paginhawahin ang maysakit. Hubarin ang damit at kumutan. Isara ang mga bintana upang maiwasan ang malamig na ihip ng hangin.
- Sapnan ng tuwalya ang higaan upang huwag mabasa habang pinupunasan ang bawat bahagi ng katawan. Ilatag ang isang tuwalya sa dibdib at punasan ang mukha, mga taynga, at leeg. Patuyuin ang mga bahaging napunasan na ng tuwalyang ito.
- Punasan ang bawat bahagi ayon sa pagkakasunud-sunod: mga bisig, dibdib, tiyan, mga binti, paa at likod. IIatag ang tuwalya sa ilalim ng mga bisig o mga binti kaya, samantalang ang mga ito ay pinupunasan. Mabilis na kuskusin ng bimpo o labakara ang balat hanggang ito'y mamula. Patuyuing mabuti ang bawat bahaging napunasan upang maiwasan ang pangangaligkig. Tiyaking ang pasyente ay tuyo bago palitan ng damit at mga kumot. Maaaring uminom ng mainit na inumin (kalamansi juice) upang pawisan.
Maligamgam na Punas
baguhinIto ay ginagawa sa nilalagnat na pasyente na di-mapalagay at lubhang nininerbyos. Ito ay nakapagpapaginhawa at nakapagpaparelaks sa maysakit. Ang temperatura ng tubig ay dapat na 34.4°C - 36.7°C, o kaya ay katamtaman ang init kung susubukin sa siko. Sa pagpupunas ay hindi dapat na kuskusin ang balat. Marahang punasan at patuyuin ang balat. Ipagpatuloy ang pagpupunas para sa nakapagpapaginhawang epekto at maipagpatuloy ang dagdag pang ebaporasyon.
Paraan
baguhin- Hubarin ang kasuotan ng pasyente. Takpan ito ng kumot. Ang silid ay dapat na tahimik at madilim na walang nakasisilaw.
- Punasan ang bawat bahagi tulad ng sa main it na punas. Patuyuin ang pasyente nang may marahang pagkuskos sa balat. Marahang kuskusin ng alkohol ang likod pagkatapos.
Punas na May Asin
baguhinIto ay ginagawa sa maysakit na di-kumikilos at natutulog sa lahat halos ng panahon. Ang pagpupunas ng tubig na may asin ay nagtataglay ng suwabeng pagpapaginhawa sa maysakit. Pinakikilos nita ang pasyente. Ang temperatura ng tubig ay dapat na 35.5°C - 37.7°C o kaya ay mainit-init ng kaunti kaysa ginagamit sa maligamgam na punas. Kalahating tasang asin ang inihahalo sa isang palangganang tubig. Ipunas nang may pagkuskos at ulitin hanggang matamo ang nais na epekto.
Paraan
baguhin- Ipunas ng tulad sa paraan ng malamig na punas.