Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Pomentasyon
Pakahulugan
baguhinPaglalapat ng mamasa-masang init sa isang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng damit na nilublob sa kumukulong tubig o tangkeng pasingawan (steam tank) at piniliplt upang maalis ang tubig.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinalalakas ang daloy ng dugo sa isang bahagi ng katawan. * Pinarerelaks ang mga kalamnan.
- May epektong nakapagpapaginhawa kung ilalapat sa gulugod
- Pinahuhupa ang kirot
- Pinalulubay ang pamimitlg o pulikat
- Binabawasan ang paninikip.
- Nakapagpapapawis.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- Mga 5 tuwalyang pangligo.
- Isang maliit na palangganang tubig na may yelo.
- Labakara o bimpo (face towel) para pampomento.
- Isang kumot na pantakip sa pasyente.
- Isang kaserolang pakuluan ng tubig.
Paraan
baguhin- Hubarin ang damit ng pasyente at takpan ng kumot.
- Magkaroon ng tubig na may yelo sa isang maliit na palanggana. at pampomento sa tabi ng higaan ng maysakit.
- Isara ang mga bintana na malapit sa maysakit upang maiwasan ang ihip ng hangin.
- Takpan ng isang tuwalya ang bahaging gagamutin.
- Hawakan ang magkabilang dulo ng Isa pang tuwalya at itubog sa kumukulong tubig. Pilipiting mabuti upang maalis ang tubig.
- Maglatag ng isang tuyong tuwalya sa mesa at balutin ang tuwalyang binasa ng kumukulong tubig.
- Ipatong ito sa ibabaw ng tuwalyang nakatakip sa bahaging gagamutin.
- Lagyan ng malamig na pamento ang ulo ng pasyente. Palitan ito nang 3 ulit sa panahong ginagawa ang pomentasyon.
- Ulitin nang 3 beses ang pomentasyon, na tinutuyong mabilis ang bahaging ginagamot sa mga pagitan ng pag-uulit. Palitan ang pomentasyon tuwing 5 minuto o hanggang ito'y maging maligamgam. Huwag hintaying lumamig ang tuwalya bago ito palitan.
- Ihanda agad ang mainit na tuwalyang ipapalit bago alisin ang nagamit na.
- Pagkatapos ng huling pomentasyon, kuskusin agad ang bahaging ginamot ng labakara o bimpo na piniga pagkatapos basaing mabuti ng tubig na may yelo.
- Tuyuing mabuti ang pasyente. Punasan o kaya ay paliguan ng maligamgam kung nais.
- Papagpahingahin.