Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Paglanghap ng singaw
Paglanghap ng singaw
Pakahulugan
baguhinAng paglanghap ng mainit-init at mamasa-masang hangin na pinapapasok sa mga uhog-uhog na lamad at lagusan ng hininga.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinahuhupa ang pamamaga at paninikip ng mga uhog-uhog na lamad ng gawing itaas na lagusan ng hininga.
- Binabawasan ang pangangati ng lalamunan sa pamamagitan ng pagbasa sa hangin sa loob.
- Pinaluluwag ang paglalabas at pagtatapon ng plema.
- Pinahuhupa ang mahirap na paghinga.
- Pinalulubay ang mga kalamnan at pinaglginhawa ang pag-ubo
- Hinahadlangan ang panunuyo ng mga uhog-uhog na lamad.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- Kumukulong tubig sa isang kaserolang may pinakabibig. Maaari ring gamiting pakuluan ang isang latang walang laman.
- Anumang uri ng kalan na maaaring gamitin.
- Vicks Vaporub, Tintura de Benzoin, o kaya ay Langis de Camphor para sa pakiramdam na may mabangong amoy.
- Mga lumang diyaryo.
- Payong.
- Mga kumot.
- Supot na papel.
Paraan
baguhin- Lagyan ng tubig ang kaserola o kaldero hanggang sa ilalim ng bibig nito, at pakuluin. Lagyan ang kumukulong tubig ng isang kutsaritang Benzoin o Vicks.
- Ilapit nang maingat ang kalan na nakasalang ang kumukulong tubig sa kinalalagyan ng maysakit kung siva ay hindi makatayo ni makaupo man.
- Para sa croup tent, maglagay ng bukas na payong sa tapat ng ulo at sukluban ito ng kumot upang makagawa ng isang tolda.
- Sa pamamagitan ng mga diyaryo, gumawa ng matuwid na hugis tubo na daraanan ng singaw mula sa kumukulong tubig tungo sa tolda, na malayo sa mukha ng maysakit.
- Kung ang maysakit ay nakakaupo, maaari siyang umupo sa tabi ng kalan sa kusina. Ang tuwid na hugis tuba na yari sa mga lumang diyaryo ay kanyang gagamitin sa paglanghap ng singaw.
- Tagal ng paggagamot: mula sa 30 minuto hanggang 1 oras, sa umaga at sa gabi kung magagawa.