Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Nagpapainit na pomento

Pakahulugan

baguhin

Katamtaman at pinatatagal na paglalapat ng mamasa-masang init na may tagal na ilang oras.

Mga Nagagawa

baguhin
  • Pinarerelaks ang mga kalamnan
  • Pinahuhupa ang kirot ng lalamunan o mga rayumatikong kasukasuan.
  • Pinagiginhawa ang di-mabuting pakiramdam ng tiyan (gumamit ng mamasa-masang bendahe sa tiyan).
  • Binabawasan ang pamamaga ng kasukasuan.
  • Katamtamang nagpapainit na epekto.

Mga Bagay na Kailangan

baguhin
  • Kapirasong damit (cotton): tiniklop para sa katamtamang kapal; 2 pulgada ang lapad at may sapat na haba upang maipulupot ng 2 ulit sa leeg o kasukasuan. Ang panyong pambabae (maliit ang sukat at manipis), na tiniklop nang pahaba ay maaari rin, kung gagamitin sa lalamunan.
  • Isang pirasong damit na pranela, 4 na pulgada ang lapad at may sapat na haba upang ibalot sa leeg o kasukasuan. Ang lampin o kumot na pranela ng sanggol na tinupi nang pahaba ay tamang-tama para sa mga tuhod.
  • Dalawang (2) perdible.
  • Kung ang pomento ay nangangailangan ng gamot, gamitin ang gamot na itinagubilin. Maaari ring gumamit ng Vicks Vaporub.

Paraan

baguhin
  1. Ilubog sa tubig ang damit pampomento. Pigain at ipulupot nang dalawang ulit sa leeg o sa kasukasuan. Tiyakin na ang damit ay hindi basang-basa upang tumulo ang tubig, ni hindi naman masyadong tuyo.
  2. Kung kailangan ang gamot sa pomento, huwag gumamit ng basang damit. Pahiran ng itinagubiling gamot ang bahaging gagamutin at balutan ng tuyong damit. (Sa paglalagay ng payak na nagpapainit na pomentong walang gamot, damit na basa ang ginagamit.)
  3. Ilagay nang maayos at mabilis ang pomento upang maiwasan ang pangangaligkig.
  4. Balutin nang maayos at lapat ng damit na pranela ang pomento upang walang makasamang hangin at iyemperdible nang katamtaman ang higpit sa tagiliran ng leeg o kasukasuan.
  5. Panatilihin ang pomento sa buong magdamag o kaya ay hanggang 6 o 8 oras.
  6. Ingatan na ang pagkakalagay ng pomento ay hindi totoong mahigpit upang huwag makasagabal sa sirkulasyon ng dugo o kaya ay sa kilos ng kasukasuan.
  7. Punasan agad ang ginamot na bahagi ng damit na piniga mula sa malamig na tubig-gripo pagkaalis ng pomento.
  8. Patuyuing mabuti ang bahaging nilagyan ng pomento. Ang pagpomento ay maaaring gawin nang minsan o dalawang beses maghapon.



    PAHIWATIG: Pinakamabuting maglagay ng nagpapainit na pomento sa gabi bago matulog.