Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mumog na maalat

Pakahulugan

baguhin

Paghuhugas ng lalamunan ng mainit at maalat na solusyon, sa loob ng ilang saglit.

Mga Nagagawa

baguhin
  • Pinahuhupa ang paninikip sa lalamunan.
  • Pinalulubay ang mga kalamnan ng lalamunan.
  • Binabawasan ang pangangati ng lalamunan.
  • Pinahuhupa ang masamang pakiramdam ng lalamunan.
  • Naiibsan ang pamamaga.

Mga Bagay na Kailangan

baguhin
  • Dalawang (2) baso ng mainit na tubig.
  • Isang kutsaritang asin — ½ kutsarita bawat baso.
  • Isang kutsarita.

Paraan

baguhin
  1. Lagyan ng ½ kutsaritang asin ang isang basong tubig na mainit. Ang tubig ay dapat na kasing-init ng kayang tiisin sa pag-inom. Kanawin ng kutsarita hanggang ang asin ay lubos na matunaw.
  2. Ang pagmumumog ay dapat na gawin sa lababo ng banyo.
  3. Maglagay ng sapat na solusyon sa bibig at hayaang dumaloy nang mabuti sa lalamunan sa loob ng ilang saglit bago ito ibuga sa lababo.
  4. Ipagpatuloy ang paraan ng pagmumumog hanggang ang 2 basong solusyon ay maubos.
  5. Kung ang karamdaman sa lalamunan ay may pamamalat, ang pagmumumog ng tubig na maalat ay maaaring ulitin tuwing 2 oras sa panahong gising.
  6. Pinakamabuting gawin ang pagmumumog pagkatapos kumain.
  7. Pinakamabuting huwag munang uminom ng mga malamig na inumin hanggang hindi gumagaling ang karamdaman.