Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mainit na paligo

Pakahulugan

baguhin

Lubog na paligo ng isang bahagi ng katawan na sumasaklaw sa balakang at mga bahagi na sakop ng pigi at tumbong.

Mga Nagagawa

baguhin
  • Pinahuhupa ang sakit pagkatapos ng operasyon sa tumbong.
  • Pinadadali ang paglinis at paggaling ng bahaging inopera.
  • Pinahuhupa ang pulikat at pamimitlig na balakang at pantog.
  • Pinag-iibayo ang daloy ng dugo sa lugar ng balakang.
  • Nagpaparelaks sa pantog.

Mga Bagay na Kailangan

baguhin
  • Isang malaking palanggana na may sapat na lalim upang makaupo ang pasyente.
  • Isang maliit na palanggana para sa paa.
  • Isang maliit na palanggana na may yelo o malamig na tubig at pampomento.
  • Isang tuwalyang may sapat na haba upang maipulupot sa ulo.
  • Kumot para ibalot sa katawan.
  • Tuwalyang pang-ligo.
  • Isang malaking kaserola ng kumukulong tubig.
  • Isang silya o bangkito.

Paraan

baguhin
  1. magpainit ng tubig.
  2. IIagay ang malaking palanggana sa silya o sa sahig. Lagyan ng kaunting tubig na may sapat na init upang maupuan ng pasyente.
  3. Alisin ang damit, mga kasuotang panloob at mga bendahe kung mayroon nito. Balutin ng kumot.
  4. Tulungan ang pasyente sa pag-upo sa palanggana at paglalagay ng mga paa sa maliit na palangganang may mainit na tubig.
  5. Lagyan ng pomentong malamig ang noo at unti-unting dagdagan ng mainit na tubig ang mga palangganang kinauupuan at kinatutungtungan.
  6. Kalawkawin ng kamay ang tubig habang dinaragdagan ng mainit. Pag-ingatang huwag mabuhusan ng mainit na tubig ang pigi at paa ng pasyente.
  7. Palitang madalas ang malamig na pomento. Ituloy ang pagdaragdag ng mainit na tubig hanggang 20 o 30 minuto.
  8. Pagkatapos ng paraang ito, buhusan ng malamig na tubig ang palangganang kinauupuan. Itaas ang mga paa at buhusan ang mga ito ng malamig na tubig. Patuyuing mabuti.
  9. Tulungan ang pasyente na makaalis sa palanggana at bigyan ng mainit-init na shower o punas kaya.
  10. Bayaang magpahinga ang pasyente at panatilihin siyang naiinitan pagkatapos ng gamutan.



    PAHIWATIG: Ang mainit na paligo sa balakang at pigi ay pinakamabuting gawin sa banyo sapagkat malamang na mabasa ang sahig.