Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa sinusitis

Ang sinusitis ay pamamaga ng alin man sa mga guwang (cavity) na malapit sa bahagi ng ilong, tulad ng noo (frontal), ibabaw ng panga (maxillary) at ang pinakaugat na buto ng ilong na karugtong ng bungo (ethmoidal).

  • Iwasan ang mga matatamis o mamantikang pagkain. At higit sa lahat huwag ng maninigarilyo

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Paglanghap n

Paggamot ng Halaman

baguhin

Mansanilya

baguhin
  Lamukusin ang 5 sariwang dahon at lagyan ito ng 2 patak ng langis ng niyog. Painitin nang tuwiran sa apoy ang mga dahon. Huwag pabayaang masunog.
    Samantalang mainit pa, ilapat sa noo para sa frontal sinusitis at sa magkabilang pisngi para sa maxillary sinusitis. Gawin ito sa gabi bago matulog, sa loob ng 30 minuto.

Mayana

baguhin
  Magpainit sa apoy ng 10 dahon. Magpainit ng 4 na dahon lamang sa bawat pagkakataon.
    Ilapat sa noo habang mainit pa, para sa frontal sinusitis at sa magkabilang pisngi nang malapit sa ilong para sa maxillary sinusitis. Palitan ng bagong init ang malamig nang dahon hanggang maubos ang 10 dahon. Gawin ito ng 2 ulit maghapon.

Dahon ng Sambong

baguhin
  Lamukusin ang 5 dahon at idarang na Isa-isa sa apoy.
    Itapal samantalang mainit pa sa noo para sa frontal sinusitis at sa pisngi para sa maxillary sinusitis. Palitan ang lumamig na dahon ng bagong ininit na dahon hanggang sa magamit na lahat ang lima. Dalawang ulit gawin sa isang araw.