Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa paso

Ang paso ay kapinsalaan sa balat at laman bunga ng init, radyasyon, pagkikiskisan o elektrisidad.

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 minuto upang maibsan ang sakit.
  • Kung mayroong mga Iintos, huwag itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at malinis. Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang may pinsalang bahagi ng malinis na damit. Plantsahin muna ito bago gamitin.
  • Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag gagawa ng anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng malinis na damit upang manatiling mainit.
  • Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng 20 minuto pagkaraan ng 24 oras. Haluan ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya'y isang timba ng mainit-init na tubig. Ibabad ang napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo ang paso.

Paggamot ng Halaman

baguhin

Sabila

baguhin
  Sabunin at hugasan ang sabila. Dikdikin ito at katasin.
    Lunukin ang katas ng sabila ang bahaging may pinsala pagkatapos na maibabad sa malnit-init na tubig na may asin, minsan isang araw.