Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa pangangasim ng sikmura

Ang sobrang pangangasim ay bunga ng labis na sikrisyon ng asido sa sikmura na maaaring sanhi ng tensyon, kulang na pagkain at Iba pang dahilan.


  • Uminom sa pagitan at hindi sa panahon ng pagkain.
  • Huwag kumain ng maanghang at marikadong mga pagkain.
  • Iwasan ang mga mamantikang pagkain

Mga Halamang Makapagpapahupa ng mga Palatandaan

baguhin

Katas ng Karot at Repolyo

baguhin
  Hugasan at hiwain nang malililt ang isang malaking karot at ¼ na kilong repolyo. Paraanin sa Osterizer na may kahalong 2 basong tubig. Salain at lagyan ng isang kutsarang asukal. Maari rin nang wala nito. Panatilihin sa palamigan. Maghanda lamang ng kakailanganin para sa isang araw.
    Uminom ng isang baso nito, 30 minuto bago kumain, o kung nakararamdam ng pangangasim ng sikmura.

Langis ng Oliba

baguhin
  • Uminom ng isang kutsarita nito, 30 minuto bago kumain, kung may masidhing palatandaan.
    PAHIWATIG: Gawin lamang ito kung may mga palalandaan. Ang langis ng oliba ay nakapagpapataas ng antas ng sebo sa dugo.