Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa pagkawala ng malay
Ang pagkawala ng malay ay pagkadama ng magaan-na-pakiramdam ng ulo at pagkahilo.
Pangunang Lunas
baguhin- Paupuin ang may karamdaman sa isang silya at ibaba ang ulo sa pagitan ng mga tuhod.
- Pahigain na ang ulo na mababa kaysa kinalalagyan ng mga paa. Ito ay upang padaluyin ang dugo sa ulo.
- Suriin ang pulso at paghinga kung malakas. Kung ang paghinga ay mabilis at malakas ang pulso, kumuha ng supot na papel o plastik na may sapat na laki upang dito pahingahin ang pasyente. Kung hindi siya muling magkamalay sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, dalhin agad ito sa pinakamalapit na pagamutan.
- Kung ang pasyente ay hindi humihinga o kaya ay hindi madama ang pulso, pagkalooban ito ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).
- Tumawag ng manggagamot o kaya dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na ospital. Kung may makagagawa ng CPR, pagkalooban siya nito habang patungo sa pagamutan. Itigil ito kung humihinga na ang pasyente o kaya ay nadadama na ang pulso nito.
- Tiyakin kung ang pasyente ay may dayabetis. Tanungin ang pamilya o kakilala.
Paggamot ng Halaman
baguhin- Kung ang pasyente ay humihinga at ang pulso ay malakas:
Atis
baguhinLumamukos ng dahon ng atis. | |
Ipa-amoy ito sa pasyente. lIagay Ito sa tapat ng ilong hanggang magkamalay ang pasyente. |
Bayabas
baguhinManglamukos ng mga dahon ng bayabas. | |
Ipaamoy ito sa pasyente habang pinahihinga ito ng malallm. lIagay ang linamukos na mga dahon sa tapat ng ilong. |