Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa pagkalat ng mga bulate

Ang ascaris at iba pang mga parasitong bulate na talamak na tumatahan sa mga bituka ay nagiging sanhi ng malnutrisyon sa mga bata.

Mga Paraan ng Pag-iwas

baguhin
  • Paliguan araw-araw ang mga bata at sanggol.
  • Maghugas at magsabong mabuti ng mga kamay bago kumain.
  • Sabunin at hugasang mabuti ang mga prutas at gulay na kinakain ng hilaw; tulad ng duhat, sinegwelas, bayabas at mga gulay na sina-salad.
  • Panatilihing maigsi ang kuko ng mga dallri ng kamay.
  • Tagubilinan ang mga bata na huwag isusubo ang mga daliri.
  • Tagubilinan ang lahat, lalo na ang mga bata na palaging magsuot ng tsinelas o sapatos, sa paglakad sa lupa.
  • Panatilihin ang kalinisan sa palibot, lalo na sa bahay. Turuan an mga bata na gumamit ng palikuran.

Paggamot ng Halaman

baguhin
  • Para sa ascaris o trichina

Ipil-ipil

baguhin
    Mga bata: Kumuha ng 5 sariwang bunga at kaining lahat ang mga buto nito. Ulitin pagkaraan ng isang Iinggo, kung wala pang resulta.

Mga matanda: Magsangag ng isang tasa ng tuyong buto. Huwag itong susunugin. Dikdikin nang pino at haluan ng tubig o gatas.

  Dosis:
Matanda: 1 kutsarita, 2 oras pagkakain ng hapunan.
Bata: (7-9 taon) : ¼ kutsarita, 2 oras pagkahapunan.
(10-12 taon) ½ kutsarita, 2 oras pagkatapos ng hapunan.

Papaya

baguhin
    Dikdikin nang pino ang isang tasa ng buto. Haluan ng isang tasang gatas o tubig.
  Dosis:
Matanda: 1 kutsarita, 2 oras pagkakain ng hapunan.
Bata: (7-9 taon) : ¼ kutsarita, 2 oras pagkahapunan.
(10-12 taon) ½ kutsarita, 2 oras pagkatapos ng hapunan.

Akapulko

baguhin
    Magsangag ng isang tasa ng mga tuyong buto. Dikdikin nang pino at haluan ng isang tasang gatas o tublg.
  Dosis:
Matanda: 1 kutsarita, 2 oras pagkakain ng hapunan.
Bata: (7-9 taon) : ¼ kutsarita, 2 oras pagkahapunan.
(10-12 taon) ½ kutsarita, 2 oras pagkatapos ng hapunan.
    PAHIWATIG: Ulitin kung kailangan pagkaraan ng isang linggo.



Paggamot ng Halaman (2)

baguhin
  • Para sa Tiwa (pin worm)

Niyug-niyogan

baguhin
  Kumain ng mga buto nito, 2 oras pagkatapos ng hapunan. Ulitin kung kailangan, pagkaraan ng isang linggo,
  Dosis:
Matanda: 10 buto.
Bata: (4-7 taon): 4 na buto
(8-9 taon) : 6 na buto
(10-12 taon) 7 buto.
  • Kumain ng 2 hanggang 3 hiwa ng hinog na pinya tuwing matatapos kumain sa loob ng isang linggo.



    PAHIWATIG: Kung ang mga tiwa ay lumalabas sa gabi, alisin ang mga ito sa pamamagitan ng kapirasong bulak na binasa ng langis. Palitan ang mga sapin ng higaan, mga panloob na kasuotan, at padyama bago matulog sa gabi sa loob ng isang linggo.