Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa nagdurugong sugat

Ang sugat ay hiwa o bitak ng balat o laman bunga ng kapinsalaan.

Pangunahing Lunas sa nasugatan

baguhin
  • Kumuha ng isang piraso ng malinis na damit at diinan ang sugat sa loob ng 10 minuto. Kung patuloy ang pagdurugo, dagdagan ang saping damit at diinan pa nang kaunti. Bendahan.
  • Pahigain ang pasyente at dalhin ito sa pinakamalapit na hospital o klinika kung ang sugat ay malaki at kailangang tahiin. Pansinin kung may pangingimay o pag-iba ng kulay ang mga daliri ng paa at mga kamay. Kung mayroon, ang benda ay mahigpit. Luwagan, subalit huwag aalisin.

Paggamot ng Halaman

baguhin

Saging

baguhin
  Magdikdik ng murang dahon ng saging hanggang maging malambot at makatas.
    Patakan ng katas ang sugat. Ilapat na may pagdiin ang dinikdik na dahon sa sugat. Bendahan. Kung ang pagdurugo ay hindi tumigil pagkaraan ng 15 minuto, dalhin ang pasyente sa hospital o klinika para sa nararapat na lunas.

Mayana

baguhin
  Hugasan ang mga murang dahon at katasin.
    Lagyan ng ilang patak ang sugat. Itapal ang kinatas na dahon. Bendahan. Huwag mahigpit upang hindi maantala ang sirkulasyon ng dugo.