Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa impatso

Ang impatso ay kapansanan sa panunaw ng sikmura, o kabiguan nito sa pagtunaw ng pagkain.

Mga Mungkahing Paraan sa Pagtunaw ng Pagkain

baguhin
  • Uminom ng isang baso ng mainit na tubig bawat oras sa panahong ito.
  • Kumain ng isang katamtamang hiwa ng hinog na papaya, 30 minuto pagkatapos na kumain nang marami.
  • Kumain ng kaunti ng pagkaing walang anumang taba pagkaraan ng 4 na oras na pagtigil sa pagkain.

Halamang Gamot na Makatutulong sa Pagtunaw ng Pagkain

baguhin

Papaya, hinog

baguhin
  • Kumain nito bilang isang himagas, lalo kung kumain ng marami. Ang papaya ay tumutulong sa pagtunaw ng protina.

Kamatsile

baguhin
  Pakuluan ng 10 minuto ang isang tasang dahon ng kamatsile sa 5 basong tubig. Lagyan ng ½ kutsaritang asin.
    Dosis:
Matanda:2 tasa sa pasimula at isang tasa bawat 4 na oras.
Bata: 1 tasa sa simula, at ½ tasa bawat 4 na oras.
Sanggol: 1 kutsara sa simula at isang kutsarita sa bawat 4 na oras.

Anonas

baguhin
  Painitan sa apoy ang mga dahon.
    Ilapat ang mga ito sa sikmura samantalang mainit. Bigkisan ang tiyan. Ulitin bawat 2 oras. Mabuti para sa mga bata at mga sanggol.