Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa galis-aso

Ang galis-aso ay isang kapansanan ng balat na nakahahawa na bunga ng sarcoptes scabiei na may iba't ibang anyo ng sugat na masidhi ang pangangati, lalo na sa gabi.

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Maligo at magsabong mabuti araw-araw. Magpalit ng mga kasuotan pagkatapos maligo.
  • Painitan sa sikat ng araw ang lahat ng ginagamit sa pagtulog sa gabi: banig, unan, kumot at mga pansapin sa tulugan, maging ang mga kasuotang pantulog.
  • Matulog nang nag-iisa upang huwag mahawa ang ibang mgakaanib ng sambahayan.
  • Manatihng malinis. Hugasan ang mga kamay, paa at mukha, o kaya ay maligo bago matulog.

Paggamot ng Halaman

baguhin

Makabuhay

baguhin
  Tadtarin ang isang metro
haba ng bahagi nito at pakuluan sa isang galong tubig sa loob ng 15 minuto.
    Dagdagan ng sapal na tubig upang magkaroon ng isang timba nito na sapat na mapaglulubluban ng isang bata, kung ang buong katawan ay may galis. Para sa mga matatanda, gamitin ang tubig para sa mainit na pomento sa mga bahaging may kapansanan lamang.

Kalatsutsi

baguhin
  Pakuluan ang isang tasa ng tinadtad na mga sariwang dahon at isang maliit na sanga sa kalahating tasang langis ng niyog sa loob ng 5 minuto. Palamigin at isilid sa isang bote para sa mga susunod na paggamit.
Ipahid nang sagana sa bahaging may kapansanan pagkatapos maligo.

Masarap na mangga

  Kumuha ng sapat na dami at haluang mabuti ng langis.     Pahiran nang sagana ang bahaging may galis, 2 beses maghapon pagkatapos maligo at bago matulog sa gabi.

Kakawati

baguhin
  Kumuha ng mga Kakawate at katasin.
    Ipahid ang katas sa bahaging may kapansanan pagkatapos maligo at bago matulog sa gabi.

Ispasol

Ipahid ang gatas ng ispasol sa iyong galis aso pagkatapos kumain tatlong pahid sa isang araw

Laging ibilad sa araw kapag tapos ng ipahid