Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa buni

Ang buni ay impeksyon ng balat, anit, at mga daliri na may iba't ibang fungi na lumilikha ng pabilog na mga sugat na ang mga tabi ay alsado.

Paggamot ng Tubig na may Kasamang Halaman

baguhin

Bayabas

baguhin
  Pakuluan ang 10 tasa ng tinadtad na sariwang dahon ng bayabas sa ½ galong tubig sa loob ng 15 minuto. Salain at dagdagan ng sapat na malamig na tubig na makapupuno ng isang timba.
  Maligo ng tubig na may dahon ng bayabas, ipaligo ang samantalang mainit-init pa.

Tabako

baguhin
  • Kung ang buni ay sa ulo,
  Pakuluan ang 10 sariwang dahon ng tabako sa ½ galong tubig sa loob ng 15 minuto. Palamigin at salain. Dagdagan ng sapat na tubig na makapupuno sa 3-galong timba.
  Siyampuhin nito ang buhok minsan isang araw hanggang gumaling.

Paggamot ng Halaman

baguhin

Kamantigue

baguhin
  Magpisa ng 5 hanggang 10 bulaklak. Ang dami ay ayon sa laki ng impeksyon. Katasin.
    Itapal sa bahaging may impeksyon sa loob ng 30 minuto. 2 ulit maghapon.

Bawang

baguhin
  Balatan at durugin ang isang pusong bawang.
    Ikuskos sa bahaging may impeksyon hanggang ito ay mamula. Gawin ito nang 2 ulit maghapon, minsan sa umaga pagkatapos sa gabi.

Adelfa

baguhin
  Magdikdik ng isang talampakang haba ng sanga. Haluan ng isang tasa ng tinadtad na mga sariwa at murang dahon. Haluan ang katas ng 5 patak ng sariwang langis ng niyog.
    Lagyan ang mga bahaging may kapansanan, 2 ulit maghapon.

Akapulko

baguhin
  Magdurog ng 5 dahon.
    Ikuskos ang katas sa bahaging may karamdaman, 2 ulit maghapon.