Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa bulutong tubig

Ang bulutong tubig ay isang malubha at nakakahawang karamdaman. Pangunahing dinadapuan nito ay mga bata. Ang dahilan nita ay ang varicella virus. Napagkikilala ito sa pamamagitan ng tila pamumutok ng mga namumuting butlig na sumisibal nang sunud-sunod at pulu-pulo sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Punas sa lagnat o kaya ay patuloy na pomento ng malamig sa ulo para sa lagnat. (Paraan1) , (Paraan2)
  • Paligo ng mainit-init o kaya ay mainit-init na paghugas araw-araw. Huwag kukuskusin ang sugat.
  • Uminom ng maraming tubig o kaya ay katas ng mga bungang kahoy sa panahong gising.
    PAHIWATIG: Ibukod ang may karamdaman sa isang silid, kung maaari, upang maiwasan ang pagkahawa ng ibang kaanib ng sambahayan.

Paggamot ng Halaman

baguhin

Balimbing (sa pangangati)

baguhin
  Magtadtad ng mga murang dahon at katasin.
    Lagyan ng katas ang balat at ang mga sugat upang humupa ang pangangati. Huwag kukuskusin ang balat.

Lagundi (sa lagnat)

baguhin
  Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsara ng tinadtad na tuyong dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
    Dosis:
Matanda: 1 tasa tuwing 4 na oras.
Bata: (7-12 taon) : ½ tasa bawat 4 na oras.
(2-6 taon) ¼ tasa bawat 4 na oras.
Sanggol: 1 kutsara bawat 4 na oras.