Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa balakubak

Ang balakubak ay maliliit at malangis-langis na kaliskis na nababakbak sa anit.

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Hugasan ang buhok ng 2 ulit isang linggo na ginagamitan ng siyampong mula sa gugo, o siyampong komersyal para sa tuyong buhok.
  • Suklayin at masahehing mabuti ang ulo pagkatapos magsiyampo.
  • Langisan ang ulo at buhok ng langis na mula sa niyog minsan isang Iinggo, isang oras bago magsiyampo. Imasahe ang langis sa anit. Bayaan ito sa loob ng 10 minuto. Higit na mabuti kung patatagalin ito ng buong magdamag, bago magsiyampo.
  • Lagyan ng ½ tasang suka ang isang galong tubig at gamitin itong pambanlaw ng buhok para sa mabuting kondisyon nito.

weh

Paggamot ng Halaman

baguhin

Kilaw (luyang dilaw)

baguhin
  Dikdikin ang lamang-ugat.
    Ikuskos ang katas sa anit at sa buhok. Panatilihin ito sa buong magdamag at magsiyampo kinabukasan.
  Ibabad ang gugo sa isang palanggana ng malamig na tubig sa loob ng 30 minuto bago magsiyampo. Pigaln ang gugo sa tubig at dagdagan ng katas ng 3 kalamansi.
    Basaing mabuti nito ang buhok at gamitin din itong siyampo. Banlawang mabuti.

Sabila

baguhin
  Magkatas ng mga sariwang dahon.
    Lagyan ng saganang katas ang anlt at imasaheng mabuti ng isang oras at siyampuhin ng gugo pagkatapos. Gawin ito minsan isang linggo ng 4 na linggo.