Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Balot na yelo
Pakahulugan
baguhinPaglalapat ng yelo sa Isang bahagi ng katawan.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinahuhupa ang kirot.
- Iniiwasan ang pangingitim o pangangasul ng kulay ng balat dahil sa pagdurugo ng mga napakaliliit na ugat.
- Pinatitigil ang pagdurugo, lalo na kung ididiin ito.
- Hinahadlangan at binabawasan ang pamamaga.
- Binabawasan ang daloy ng dugo sa bahaging ginagamot.
- Pinasisikip ang daluyan ng dugo, kung gayon napipigil ang pagdurugo.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- Dalawang (2) tuwalya.
- 2 perdible.
- Dinurog na yelo ang dami ay ayon sa laki ng bahaging gagamutin.
- Isang piraso ng pranelang damit o kumot ng sanggol.
- Isang supot na plastik.
Paraan
baguhin- Ikalat ang dinurog na yelo sa tuwalya hanggang sa kapal na isang pulgada. Ang lapad ay kailangang sapat sa bahaging gagamutin. Ibalot at perdiblehan.
- Balutin ng pranelang damit o tuwalya ang kasukasuan o bahaging gagamutin at ilagay dito ang binalot na yelo, na sinusunod ang balangkas ng bahaging ginagamot.
- Huwag kailanman ilalapat ang yelo sa balat. Isilid ang binalot na yelo sa isang plastik na supot at ingatang huwag mabasa ang higaan.
- Tagal ng paggagamot: 30 minuto hanggang 1 oras. Kung may nadaramang tila nakapapaso, dagdagan ang saping tuwalya o pranelang damit.
- Tapusin ang paggagamot sa pamamagitan ng pag-alis ng binalot na yelo; patuyuing mabuti ang bahaging ginamot at matyagan ang reaksyon. Maaari itong ulitin pagkaraan ng 2 oras sa mga malubhang pinsala upang pahupain ang kirot at pamamaga.
- Takpan o bendahan ang bahaging may pinsala upang maiwasan ang pangangaligkig, lalo na sa malulubhang pilay ng mga bukung-bukong.