Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 kilo giniling na baboy (huwag haluan ng taba)
½ kilo taba ng baboy, hiniwa nang pakuwadrado
¼ kutsarita salitre
5 ulo bawang, pinitpit
3 kutsara asukal na pula
¼ tasa toyo
tasa suka
1 ½ kutsarita asin
2 kutsarita paprika
1 kutsarita pamintang buo
1 kutsarita siling pula, tinadtad
1 metro sausage casing / pambalot ng longganisa / bituka ng baboy /

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang lahat ng sangkap (maliban sa sausage casing).
  2. Palipasin ng isa hanggang dalawang oras.
  3. Pagkaraang ibabad ang karne, talian ng sinulid na pang-luto ang isang dulo ng sausage casing at dahan-dahang ipasok ang karne.
  4. Hatiin sa nais na laki ang longganisa sa pamamagitan ng pagtali ng mahigpit sa gitna ng longganisa.
  5. Itabi sa refrigerator ang longganisa at palipasin ang dalawang araw.
  6. Pagkaraan ng dalawang araw, maaari nang lutuin ang longganisa.
  7. Ilagay ito sa isang kawali.
  8. Buhusan ng ½ o 1 tasa ng tubig ang longganisa o hanggang malubog ang longganisa.
  9. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang maubos ang tubig.
  10. Hayaang maluto sa sariling mantika ang longganisa.