Ang Tamang Pag Gawa Ng Liham
Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
Bahagi ng Liham
1.Ulong sulat -dito makikita ang pangalan,impormasyon, at lokasyon.
2.Petsa -kung kailan ito sinulat.
3.Patunguhan -nakalagay dito kung saan nais iparating ang liham.
4.Bating pambungad -maikling panimula o pagbati.
5.Katawan ng liham -nakalagay naman dito kung ano ang nais nitong iparating o sabihin.
6.Bating pangwakas -nakasaad ito ng pamamaalam.
7.Lagda -binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham.
Ito ang Format kung papaano ito isusulat:
4 San Isidro St.,
Novaliches, Quezon City
Ika- 18 ng Pebrero
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dalang kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sahapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isangmatanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na angtenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensyaka na, anak. Matanda na talaga ako. Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mosana akong tulungang tumayo - katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaralka pa lamang lumakad.Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulitulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sanaakong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noongbata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo iyong sasabihin, maghaponkang mangungulit hangga‟t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan koang kakulitan mo.Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoylupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madalingmagkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan monoong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako‟y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may kontikang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandal lang. Inip na ako sabahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentohan ka,kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak,noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan atintindihin ang pautal-utalmong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako‟y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mona sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akongalagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman akomagtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana angaking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka saiyong ama‟t ina…
Nagmamahal,
Ang iyong Mga Magulang
[by: Alibai Sianga]