Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 kilo sariwang tanguige, tinanggalan ng balat
½ tasa suka
5 kutsara katas ng kalamansi
2 kutsara tinadtad na luya
1 malaking sibuyas, hiniwang manipis na pabilog
2 piraso siling haba, hiniwang pahaba
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
¼ tasa dinurog na soda crackers

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Hugasang maigi ang isda at hiwaing pakuwadrado.
  2. lbabad sa suka nang isang oras.
  3. Patuluin.
  4. Timplahan ng kalamansi, luya, sibuyas, sili at paminta.
  5. lsama ang crackers.
  6. Palamigin.
  7. Maaari din gumamit ng hipon, pusit at iba pang lamang-dagat sa halip na isda.