Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 piraso malaking bangus
1 kutsara asin magaspang
2 piraso kalamansi, kinatasan
1 piraso malaking sibuyas
3 piraso kamatis

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Linisin ang bangus pero huwag kaliskisan.
  2. Hiwain sa likod o pandaing.
  3. Pagkatapos ay pahiran ng asin at kalamansi.
  4. Paghaluin ang sibuyas at kamatis.
  5. Ipalaman sa bangus.
  6. Pahiran ng kaunting mantika ang balat ang bangus.
  7. Ibalot sa dahon ng saging.
  8. Ihawin hanggang maluto.