Ibong Adarna/Talasalitaan

ang kahulugan ng mga ibong adarna



Ang mga sumusunod ay ang ilan sa talasalitaan na ginamit/nabanggit sa Ibong Adarna.

   Aarok - pagsukat sa lalim ng tubig gamit ang sariling katawan o ibang pansukat.
   Aba - dukha
   Aglahi - pangungutya o pagmamaliit ng isang lahi.
   Alumana - pag-aasikaso.
   Antak - matinding sakit mula sa natamong sugat.
   Armenya - bansa sa timog-kanlurang Asya na napapalibutan ng mga bansang Turkiya, Georgiya, Iran at Azerbaijan.
   Balintuna- isang pahayag na sumasalungat sa umiiral na paniniwala.
   Bawa - bawal; bawas; bawat
   Berbanya - lugar na kathang-isip lamang ng may-akda
   Binabata - tinitiis na pagdurusa.
   Bulaos - ito ang daanan ng mga hayop tungo sa inuman at paliguan nila
   Bumbong - isang sisidlan nakaraniwang gawa sa kawayan.
   Daluhong - isang biglaang paglulusob
   Datay - nakaratay dahil sa sakit
   Dawag - baging na may maliliit, matitinik na bulaklak.
   Dayap - sitrus; halaman namay maasim nabunga
   Dumaratal - dumarating
   Dunong - talino o kaalaman
   Duruan - tusukan; tuhugan
   Garing - pangil ng elepante na matigas at kulay puti
   Gulod - mataas na pook, burol o talampas
   Hapag - mesa na gawa sa kawayan
   Hapo - paghingal dahil sa pagod
   Hibo - sulsol
   Hungkag - walang anumang laman
   Ihugos - ipababa ang isang bagay mula sa kinalalagyan nito gamit ang lubid.
   Ilog Jordan -ilog na nagsisilbing hangganan ng Israel at Jordan. Dumadaloy ito pa-timog mula Syria.
   Inimbulog - pinalipad pg mataas
   Kagalingan - kagamutan
   Kaniig - taong kinakausap ng matalik
   Kapara - kapareho
   Karbungko - batong matingkad at kulay pula
   Karosa - malaking karwahe
   Katad - pinatuyong balat ng hayop.
   Kawasa - matatag.
   Kinatigan - pinanigan o kinampihan.
   Kinaurali - nakipagsabwatan.
   Kuhila - taong taksil
   Labaha - matalas na kasangkapan na ginagamit bilang pang-ahit ng balbas o buhok.
   Lango - lasing
   Layon - hangad o intensiyon
   Linsad - wala sa wastong pagkakalagay o 'di kaya ay pagkakapuwesto
   Lunas - gamot
   Luhog - pakiusap o pagsamo.
   Lunos - pagkaawa; hindi lumiliyab na kahoy.
   Magkamayaw - magkaroon ng gulo
   Magniig - malapit na kaugnayan ng dalawang tao
   Manunoy -malaman
   Malirip - masisid nang malalim; mapagbulaybulayan.
   Mapugto - maputol; huminto o tumigil
   Mili - sapagkat
   Munsing-munsing - maliliit o mumunli.
   Muog - tanggulan
   Nabahaw - ang paggaling ng sugat
   Naduhagi - nabigo.
   Nagahis - nadaig ng lakas o kapangyarihan
   Nag-inot - dahan-dahan.
   Nagpisan - magkasamang manirahan sa iisang tahanan.
   Nagulantang - nagulat.
   Nakatalos - nakaunawa.
   Nakadatal - dumating
   Napaglining - hindi pa nakakapili/pasya ng desisyon
   Nahapis - nalungkot; naawa sa sarili
   Namitig - napulikat.
   Napaghulo - napag-isipan o nasuri
   Napaglining - napag-isipang mabuti; napagbulaybulayan.
   Napagsapit - nangyari; nalaman
   Naparawal - napawalay
   Natilihan - natigilan.
   Nilalik - bakal o kahoy na ang hubog ay pinakinis.
   Nililimi - sinusuring mabuiti
   Nagnuynoy bulay-bulayin.
   Natambad - nalantad
   Olikornyo - ibong pinangangalagaan ng tao
   Pagkadaop - pagkakalapat ng mga kamay tulad na lamang ng nagdarasal; pagkasanib
   Pahidwa - tama o pantay
   Pantas - matalinong tao
   Piedras Platas - puno na likhang-isip ng may-akda
   Prasko - isang bote na karaniwan ay kulay berde at nilalagyan ng tubig o alak.
   Renda - istrap na nakakabit sa magkabilang dulo ng bara sa bibig ng kabayo upang ito'y makontrol.
   Salaghati - sama ng loob.
   Salamisim - alaala.
   Saliwa - magkabaligtad na pares.
   Sampaga - sampaguita.
   Sangkalan - isang blokeng ginagamit na hiwaan.
   Sansalop - sukat na katumbas ng tatlong litro
   Sapala - imposible o hindi maaaring mangyari.
   Sapin-sapin - nagkapatong-patong.
   Simboryo - bubong nahugis kalahating bilog.
   Siphayo - pang-aapi.
   Suson - isang panloob nakasuotan
   Sutla - pine, makintab at malambot na sinulid o sedang gawa mula sa himaymay ng silkworm.
   Tabor - bundok sa Hilagang Israel malapit sa Nazareth na may 1,929 talampakan ang taas.
   Tinangisan - pag-iyak dulot ng matinding pagdadalamhati.
   Tinitikis - sinasadya
   Tumalima - sumunod
   Tumok - ang malagong pagtubo ng dame
   Ukilkil - panggigiit
   Umugin - bugbugin
   Uslak - hangal; tanga