Malugod na binati ni Don Juan ang hari saka nagpakilala at nagpaalam sa kanyang layunin. Inimbitahan siya ng hari sa palasyo. Tulad ng bilin ni Donya Maria Blanca, si Don Juan ay 'di tumugon sa imbitasyon at sa halip ay nagpahiwatig sa hangarin nyang makapaglingkod.

Haring salermo:ang una kong utos sa iyo ay patagin mo ang bundok at doon ay magtanim ka ng trigo ang trigong yon ay ang magiging agahan ko

Donya maria: Ano ang iniutos saiyo nang aking ama?

Dun juan:gagawin kong patag ang bundok at magtatanim nang trigo

gumamit nang mahika si donya maria at pinatulog ang lahat ng nagbabantay at pinatubo nya nang maganda ang trigo.Laking pagtataka ng hari kinaumagahan nang makita ang tinapay sa hapag niya.

Haring salermo:Ang ikalawang utos ko sayo ay hulihin mo ang aking mga mahal na alagang negrito


Nang gabi ding 'yun ay isinalaysay ng prinsipe kay Doña Maria ang ikalawang utos ng hari. Pumunta sila sa tabi ng dagat at tinawag ng prinsesa ang mga ita. Pagkarinig sa kanyang pagtawag ay kaagad namang lumapit ang mga ito at pumasok sa prasko dahil alam nila na mag makapangyarihan si Dunya Maria Blanca kaysa sa hari.

Paggising ng hari, natagpuan niya ang prasko sa hapag-kainan niya kung saan nakapaloob ang 12 ita na hindi nawalan at napalitan ni isa man. Kaya naman, ito ay nag-isip ng isang panibagong gawain na mas mahirap sa mga nauna, at ibinigay ang ikatlong utos.

Haring salermo:Ang ikatlong utos ay kailangan mong ilagay ang bonduk sa tapat ng aking bintana

Isinagawa kaagad ni Doña Maria ang ikatlong kautusan na walang kahirap-hirap dahil pinalakad nya ang bundok. Hindi naman makapaniwala ang hari sa nakita himala kung kanyang ituring. Humanga ito nang husto kay Don Juan.

Haring salermo:ang ika-apat na utos ko saiyo ay kailangan mong gawing kastilyo ang bundok.


Napangiti ang prinsesa nang malaman ang ikaapat nakahilingan ng kanyang ama. Sinabi nito kay Don Juan na ipaubaya na lamang sa kanya ang lahat. Tunay man, kinaumagaha'y nagulantang ang hari sa nagsiputukang kanyon at nagulat ito nang husto pagkakita sa kaakit-akit nakastilyong nasa gitna ng karagatan. Niyaya niya si Don Juan namamasyal sa ginawang tanggulan. Sa kanilang pamamasyal ay naiwala ng Hari ang kanyang singsing at nagpasya itong umuwi.

Pagsapit ng ika-lima ng hapon ay ipinatawag si DonJuan para sa isang panibagong kautusan.

Haring salermo:kailangan mong maibalik ang bundok sa tapat ng bintana ng aking silid tulugan

Nagawang lahat ito ni Doña Maria nang mahusay. Kaya naman sa ika-anim na pagkakatao'y humiling ang hari kay Don Juan, na sa kanyang pag-aakala ay siyang tumutupad sa lahat ng kanyang mga kautusan. Ito'y tungkol sa kanyang singsing na nahulog sa karagatan. Ninanais niya na ito ay matagpuan, at magisnan sa ilalim ng kanyang unan paggising, kinaumagahan.


Donya Maria:kailangan mo akong tadtarin ng pinong pino at ako ay ilagay mo dagat at ako'y magiging katawang isa

nakatulog si don juan kaya hindi nila nakuha ang singsing Ganap na ikaapat nang umaga. Sinubukan uli nila ang paghahanap. Tinadtad ni Don Juan ang prinsesa ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi niya na namalayang tumalsik ang hintuturo nito sa tubig. Naging isda muli ang prinsesa at umahon kaagad matapos mahanap ang singsing. Sa pagkakataong ito, hindi na nakatulog si Don Juan. Nakuha niya ang singsing ngunit ang dulo ng hintuturo ng prinsesa ay naputol. Bilin ng prinsesa kay Don Juan na tandaan iyon bilang palatandaan ng kanyang pagkakakilanlan.

Haring salermo:magaling ka ito na ang iyong huling pagsubok kailangan mong paamuin ang kabayong ubod nang sama.


Donya maria:ang kabayo ay ang ama ko ang iyong gagawin ay paluin ang kabayo hanggang ito ay manghina