Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng lahat, mahirap man o mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay sobrang ganda at walang katulad sa bait.

Mayroon silang tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalawa at si Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay may magandang tindig. Si Don Diego naman ay may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si Don Juan naman ay napakabait at sobrang mapagmahal. Silang talo ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang.

Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gusto nilang maging pagdating ng panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o maging pari. Lahat sila ay nagnais na maging hari kung kaya’t sila ay pinagaral sa paggamit ng armas.

Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring Fernando. Ngunit isang gabi ay nagkaroon ng masamng panaginip ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay ng dalawang tao. Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa isang balon.

Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya ng maulbha at naging mahina ang pangangatawan. Walang makaalam kung ano ang naging sakit ng hari maliban sa isang manggagamot. Ang sakit daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip. Ang tanging magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong Adarna na nakatira sa Bundok Tabor.Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at tumitigil lamang doon kung gabi.

Agad na inutusan ng hari si Don Pedro na magpunta sa bundok at kunin ang ibon.

Ibong Adarna Resource Website Isang blog na magtuturo sa mga mag-aaral na nagbabasa ng koridong, Ibong Adarna Kabanata 7: Buod Nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas

Nakita na ni Don Juan ang Ibong Adarna.

Kumanta ang Ibong Adarna at inantok si Don Juan pero dahil sa sinabi ng matanda, hiniwa niya ang kanyang palad at pinatak ng dumi at kagyat.

Dahil sa sobrang matindi ng sakit nagising si Don Juan

Pagalipas ng pitong ulit dumimi at natulog ang Ibong Adarna.

Nung natulog ang Ibong Adarna agad niyang tinali ang paa at dinala sa ermitanyo

Liangay niya ang Ibong Adarna sa isang hawla.

Pagkatapos bumalik si Don Juan sa Piedras Platas at ibinuhos niya nag tubig na galing sa ermitanyo at bumalik ang mga kapatid na galing sa bato at muling magkasama ang tatlong magkapatid.Sama-sama ang mga magkapatid pagbalik sa Berbanya.

Habang bumabalik ang magkapatid nag-isip si Don Pedro ng masamang plano kay Don Juan.

Sinabi ni Don Pedro ang plano niya kay Don Diego.

Natakot si Don Diego kaya sinabi niya na bugbugin si Don Juan at wag nalang patayin.

Binugbog nila si Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna.

Dumating ang dalawang magkapatid si Don Pedro at si Don Diego at agad silang pumunta sa ama nila.

Nakita ng hari ang dalawang anak at ang Ibong Adarna pero wala si Don Juan.

Naging malungkot ang ibong kasi wala si Don Juan kaya pumangit ang mga balahibo at di kumakanta ang ibon. Iniwan si Don Juan na bugbug at halos patay ng mga magkapatid.

Kahit bugbog at halos patay si Don Juan nagdasal si Don Juan.

Nagdasal siya na gumaling ang ama niya sa sakit niya at mabuhay.

Narinig ng dasal ni Don Juan ng isang matanda na malapit sa bundok

Ginamot ng matanda ang mga sugat ni Don Juan.

Nung nagising si Don Juan nagpasalamat siya sa matanda at bumalik sa paglakbay pabalik sa Berbanya.Bumalik na si Don Juan punta sa Berbanya na magaling at buhay pa.

Masaya ang mga tao sa pagbalik ni Don Juan pero may tao din na hindi

Ang mga kapatid ni Don Juan sila Don Pedro at si Don Diego ay na surpresa na bumalik si Don Juan

Pagkakita ng Ibong Adarna si Don Juan bumalik ang ibon sa dati niyang anyo at kumanta ng paglakbay ni Don Juan at pagtaksil ng mga kapatid niya.

Gumaling na ang hari ngunit nang marining ito ng hari ay nagalit ito at binigyan ng parusa pero humiling ng tawad si Don Juan para sa kanilang dalawa.

Binigyan ng hari ang dalawa ng babala at kapag inulit ito papatayin niya sila. Inatasan ni Don Fernando ang mga magkakapatid na bantayan ang Ibong Adarna. Isang gabi, pagkatapos bantayan ni Don Pedro ang Ibong Adarna, ginising na niya si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay. Habang nagbabantay si Don Juan, nakatulog siya at dumating nanaman ang dalawang taksil. Pinkawalan nilang dalawa ang ibon at umalis. Pagkagising ni Don Juan ay nawala na ang Adarna. Siya ay nabahala at sinisi ang sarili. Umalis siya ng Berbanya upang hanapin ang ibon. Kinaumagahan, hindi na nakita ni Don Fernando ang ibon. Nagalit siya at tinanong kung sino ang huling nagtanod. Sinabi ng dalawang taksil na si Don Juan at kaagad-agad siyang pinahanap sa dalawa niyang kapatid. Umabot sila sa Kabundukan ng Armenia. Nagustuhan ni Don Juan ang lugar na iyon dahil sa mapayapang kapiligiran. Nahanap din nina Don Pedro’t Don Diego si Don Juan at kinausap siya. Tinanong siya kung gusto niya pa bumalik sa Kaharian ng Berbanya. Kung ayaw niya ay doon na lang sa Kabundukan ng Armenya sila maninirahan. Pumayag si Don Juan at doon na sila ay nagsaya. Araw-araw sila nangingisda at humhuli ng ibon. Bawat linggo naman ay nagsasalo-salo sila. Naging masaya ang kanilang buhay doon. Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang balon. Ang balon na ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agad nanagtaka si Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga kapatid niyang bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang tumagumpay. Pagdating niya sa baba ay may nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Daling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.


Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 subalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.


Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.


Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya iniwan ni Juan si Maria sa nayon. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan ang negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalang si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.