Pagluluto:Hainanese Chicken
(Tinuro mula sa Hainanese Chicken)
Sangkap
baguhin1 | buo | manok (mga 1 ½ kilo) |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
1 | piraso | maliit na luya, tinadtad |
2 | kutsarita | rice wine |
1 | kutsarita | asin |
16 | tasa | sabaw ng manok |
1 ⅔ | tasa | bigas |
1 | kutsarita | mantika |
¼ | kilo | pechay Baguio |
Sarsa
baguhin2 | kutsara | mantika |
¼ | tasa | hiniwang sibuyas na mura |
1 | piraso | maliit na luya, ginadgad |
Paraan ng pagluto
baguhin- Linisan ang manok at punasan para matuyo.
- Paghaluin ang sibuyas na mura, luya, rice wine at asin.
- Ipahid sa loob at labas ng manok.
- Isantabi ng isang oras.
- Ihanda ang pasingawan na may sabaw ng manok.
- Pasingawan ang manok ng 45-50 minuto o hanggang lumambot.
- Palamigin bago hiwain sa katamtamang laki.
- Iayos sa pinggan.
- Hugasan ang bigas.
- Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bigas.
- Magdagdag ng sapat na sabaw ng manok para maluto ang bigas (sa isang tasang bigas maglagay ng 2 tasang sabaw).
- Takpan at hayaang kumulo.
- Hinaan ang apoy at hayaang maluto ang bigas.
- Pakuluin ang natitirang sabaw at ihulog ang pechay para maluto.
- Hanguin ang pechay.
- Paghaluin ang mga sangkap ng sarsa.
- Ihain ang manok kasama ng sinaing, nilutong pechay, sabaw at sarsa.