Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

¼ kilo galapong
4 tasa gata
1 tasa hiniwang pakuwadrado na kamote
1 tasa hiniwang pakuwadrado na gabi
1 tasa hiniwang pakuwadrado na ube
4 piraso saging na saba, hiniwang pahilis
½ tasa pira-pirasong langka
1 tasa kakang gata
1 tasa asukal ayon sa panlasa

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Magtabi ng ¼ tasa ng galapong para pampalapot.
  2. Ang iba'y ihugis na bola-bola para maging bilo-bilo.
  3. Ibuhos ang gata sa kaserola.
  4. Pagkulo ay idagdag ang kamote, gabi at ube.
  5. Paglambot ay isama ang saging, langka at bilo-bilo.
  6. Timplahan ng asukal o nais na flavoring tulad ng vanilla, pandan o anis.
  7. Palaputin ng galapong na tinunaw sa kaunting gata.
  8. Pakuluin.
  9. Ihaing may kasanlang kakang gata.