Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

2 buo sariwang dalag
1 piraso malaking sibuyas
3 piraso malalaking sili, hiwain ng pino
½ tasa suka
3 butil bawang, dikdikin
3 piraso kamatis
1 kurot pamintang itim
1 tasa gata ng niyog
1 hiwa luya, hiwain ng pino
1 kutsarita patis
dahong gabi
2 piraso binating itlog

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Linising mabuti ang mga isda saka hiwaan ang likod.
  2. Iwang buo ang dalag (sa 3-4 na hiwa).
  3. Lagyan ng palaman ang loob saka kuskusin ng asin.
  4. Itabi sandali ang isda.
  5. Paghalu-haluin ang hiniwang sibuyas, paminta, bawang, kamatis, luya at binating itlog.
  6. Ihalo rin ang paminta at patis.
  7. Kung halung-halo na, gilitin ang dalag (sa 3-4 na hiwa).
  8. Lagyan ng palaman ang loob saka balutin sa dahong gabi.
  9. Iayos sa lutuan at isalin ang suka o katas ng kalamansi.
  10. Lagyan ng tubig, asin at gata ng niyog.