Pagluluto:French Toast with Syrup
(Tinuro mula sa French Toast)
Sangkap
baguhin4 | piraso | itlog |
1 | tasa | gatas |
½ | kutsarita | asin |
¼ | tasa | mantikilya |
12 | hiwa | tinapay |
¼ | tasa | syrup |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang isang non-stick pan.
- Batihin ang mga itlog kasama ng gatas at asin.
- Pahiran ng kaunting mantikilya ang mainit na kawali.
- Isa-isang ilubog ang mga tinapay sa binating itlog.
- Prituhin sa kawali hanggang lumutong at pumula.
- Ihaing may kasamang syrup.