Buksan ang pangunahing menu
1 ½ kilo karne ng baboy
½ tasa toyo
¼ tasa suka
3 butil bawang, tinadtad
2 kutsara pulang asukal
1 piraso sibuyas, hiniwa
6 piraso pamintang buo, dinikdik
1 tasa mantika
½ tasa tomato sauce
½ tasa aseytuna
2 piraso Chorizo Bilbao style, hiniwa
1 piraso pimiento, hiniwang pahaba
4 piraso saging na saba, inapat at pinirito

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ibabad ang karne sa toyo, suka, bawang, asukal, sibuyas, at paminta nang 1 hanggang 2 oras.
  2. Patuluin ang binabad na karne at iprito hanggang matusta.
  3. Hanguin. Alisin ang mantika at ibalik ang karne.
  4. Idagdag ang tomato sauce, aseytuna, chorizo at pimiento.
  5. Lutuin ng ilang minuto.
  6. Ihain kasama ang piniritong saba.