Ang "Pahimakas" ay isang tulang sinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ito, at ang isa pang notang hindi na mabasa, ay isinulat bago siya binitay sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896. Marahil ito ang isa sa mga lathalang madalas isalin sa iba't ibang wika ng mundo. Dahil kayo ay nasa libro ukol sa Esperanto, natural na matutunghayan ang sikat na tulang ito sa Esperanto.

Ukol sa Saling Ito

baguhin

Ang salin na ito ay ginawa ni Edgar McClellan noong 1910, at isinulat para sa kauna-unahang aklat sa Esperanto na inilimbag sa Pilipinas. Marahil direktang sinalin ito mula sa orihinal na Kastila dahil kapag tiningnan ninyo ang parehong bersyon, halos magkapareho sila. Matutunghayan sa salin na may mga kaunting kamalian sa pagbabaybay at may mga nakalimutang ilagay na diakritiko. Nanghihingi ng dispensa ang may-akda sa mga kamaliang ito.

Ang mga kamaliang ito ay itinama sa pahinang ito sa pamamagitan ng paglagay ng mga panaklang sa tabi ng mali. Nakapaloob rito ang sa tingin namin ay ang tamang salita na ginamit sana ng may-akda doon. Nandito rin ang orihinal na sulat ni Dr. Rizal na nasa Kastila para maihambing.

Pahimakas

baguhin