Esperanto/Mga Pangngalan at Pang-Uri

Ang mga pangngalan at panghalip ang isa sa mga pinakamahalagang parte ng isang wika. Sa wikang Esperanto, lahat ng mga pangngalan ay kinuha mula sa Latin, at iba pang mga wikang Europeo tulad ng Ingles, Kastila, at Pranses.

Ang Salitang-Ugat

baguhin

Ang wikang Esperanto ay nakasentro sa konsepto ng salitang-ugat. Sa konteksto ng mga pandiwa, pawatas rin ang tawag rito. Lahat ng mga salitang-ugat sa Esperanto ay nagtatapos sa "i". Mula sa salitang-ugat na ito, maaari kang makagawa ng pangngalan, pandiwa, o pang-uring kahulugan nito sa pamamagitan ng pagbanghay sa salitang-ugat na ito.

 
Example
Halimbawa:
patri, kuri, mendi, ĝui, renkonti, paroli, promeni, trui, kudri, pagi


Mga Pangngalan

baguhin

Pagbanghay sa Isahan

baguhin

Maaaring gumawa ng pangngalan mula sa kahit anong salitang-ugat. Upang makagawa ng isang pangngalan mula rito, palitan lamang ang pinakadulong "i" ng "o".

 
Example
Halimbawa:
patri, mendi, pagi, mani, formi -> patro, mendo, pago, mano, formo; tatay, order (sa kainan, atbp.), bayad, kamay, porma


Pagbanghay sa Maramihan

baguhin

Ang isang pangngalan sa wikang Filipino ay maaaring gaawing pangmaramihan sa pamamagitan ng pagkabit ng salitang "mga" bago ang pangngalan. Sa Esperanto, kinakabitan lamang ng "j" ang pangngalan upang maging maramihan ito.

 
Example
Halimbawa:
patro, mendo, pago, mano, formo -> patroj, mendoj, pagoj, manoj, formoj; mga tatay, mga order, mga bayad, mga kamay, mga porma


Mga Pang-Uri

baguhin

Pagbanghay sa Isahan

baguhin

Maaari ring gumawa ng pang-uri mula sa kahit anong salitang-ugat. Upang makagawa ng isang pang-uri mula rito, palitan lamang ang pinakadulong "i" ng "a".

 
Example
Halimbawa:
blui, grandi, beli, bongusti, freŝi -> blua, granda, bela, bongusta, freŝa; bughaw, malaki, maganda, masarap, sariwa


Pagbanghay sa Maramihan

baguhin

Tulad ng mga pangngalan, ang mga panghalip ay maaari ring ibanghay sa maramihan. Sa Esperanto, kinakabitan lamang ng "j" ang mga pang-uri.

 
Example
Halimbawa:
blua, granda, bela, bongusta, freŝa -> bluaj, grandaj, belaj, bongustaj, freŝaj; bughaw, malaki, maganda, masarap, sariwa


Paggamit Kasabay ng Mga Pangngalan

baguhin

Ang mga pang-uri ay madalas ginagamit kasabay ng mga pangngalan. Upang magbigay ng katangian sa isang pangngalan gamit ang isang pang-uri, maaring ilagay ang pang-uri bago o pagkatapos ng pangngalan.

 
Example
Halimbawa:
freŝa frago, bela nokto, patro forta, viro bela, ĉevalo granda; sariwang strawberry, magandang gabi, tatay na malakas, lalaki na guwapo, kabayo na malaki


Kung maramihan ang pangngalan na kailangan bigyan ng katangian, dapat umayon rin ang pang-uri rito sa pamamagitan ng pagbanghay nito sa maramihan.

 
Example
Halimbawa:
freŝaj fragoj, belaj noktoj, patroj fortaj, viroj belaj, ĉevaloj grandaj; mga sariwang strawberry, mga magagandang gabi, mga tatay na malalakas, mga lalaki na guwapo, mga kabayo na malalaki


Ang Tiyak na Pantukoy

baguhin

Sa wikang Filipino, ang 'di katiyakan ng isang bagay ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng "isa" tulad ng "Isang kamay ang sumulpot mula sa kanto ng pasilyo." Ibig sabihin nito, may kamay na sumulpot, ngunit hindi pa tiyak kung kanino, o anong klaseng kamay ito. Kung nais ipahiwatig ang katiyakan ng isang bagay, ang salitang "ang" ang ginagamit, tulad ng "Ang kamay ay sumulpot mula sa kanto ng pasilyo." Ibig sabihin nito, nalaman na sa isang dating pangungusap kung anong klaseng at kung kaninong kamay ang sumulpot.

Lahat ng mga pangngalan na ipinakita sa Esperanto sa ngayon ay tumutukoy sa mga bagay na 'di tiyak. Para gawing tiyak ang isang bagay, kailangan lang maglagay ng pantukoy na "la" bago ang pangngalan at anumang mga pang-uri na nais tukuyin. Tandaan na hindi ito nagbabago depende kung maramihan o isahang bagay ang tinutukoy.

 
Example
Halimbawa:
patro, mendoj, freŝa frago, noktoj belaj, ĉevalo granda -> la patro, la mendoj, la freŝa frago, la noktoj belaj, la ĉevalo granda; ang tatay, ang mga order, ang sariwang strawberry, ang mga magagandang gabi, ang malaking kabayo


Pagsasanay

baguhin

Banghayin ang mga sumusunod na salitang-ugat sa pangngalan at pang-uring pang-isahan at pangmaramihan.

 
Example
Halimbawa:
dolori -> doloro, dolora, doloroj, doloraj


akvi, blanki, celi, ĉokoladi, dorsi, emi, flori, gorli, ĝeni, heliki, ĥlori, indi, juni, ĵuri, kanti, larĝi, manki, nutri, oranĝi, protekti, ruĝi, simpli, ŝajni, travidebli, umi, venki, zipi

Pangalawa

baguhin

Banghayin ang mga sumusunod na pang-uri, na nakabanghay sa pawatas, ayon sa tinutukoy nitong pangngalan.

 
Example
Halimbawa:
reĝo boni -> reĝo bona


moli herbo, cirkli kuŝenoj, seki teroj, rapidi kuroj, pezi bebo, cielo alti, promenoj simpli, ideo brili, skriboj ordi, knabo dormemi

Pangatlo

baguhin

Banghayin ang mga sumusunod na mga salita sa tiyak na panukoy.

 
Example
Halimbawa:
mola herbo -> la mola herbo


griza ĉemizo, flava fiŝo, floroj bonodoraj, capo, ĉapeloj, rapida komputilo, rivero longa, ĉambroj pacaj, granda lando, sukero dolĉa, marbordo, urboj