Esperanto/Mga Korelativo
Ang mga korelativo ang isa sa mga pinakamahalagang bagay sa Esperanto. Hindi makakapagtanong, o makakatukoy ng sari-saring bagay ang isang tao sa Esperanto kung wala siyang kaalaman tungkol rito.
Mga Korelativo
baguhinAng mga korelativo ay mga salita na ginagamit upang tukuyin ang mga bagay na sumasagot, o tinutukoy, ng mga salitang sino, saan, kailan, at iba pa. Sa Esperanto, madaling isaulo ang mga ito dahil binubuo ito ng dalawang salita - ang una tungkol sa uri ng korelativo, at huli tungkol sa tinutukoy nito. Ito rin ang wikang may pinakakomprehensibong korelativo sa buong mundo.
Mga Korelativong Panuro
baguhinAng mga korelativong panuro ay ginagamit upang manuro ng isang natatanging bagay sa isang pangungusap.
Korelativong Pamili
baguhinAng salitang tiu ay ginagamit upang magturo ng isang bagay mula sa isang grupo.
Halimbawa: Tiu virino estas tre bela.; Mi manĝis tiujn pomojn.; Tiun parkon plaĉas al mi. -> Ang babaeng iyon ay maganda; Kinain ko ang mga mansanas na iyon.; Gusto ko ang pook-pasyalang iyon. |
Korelativong Panuro
baguhinAng salitang tio ay ginagamit upang magturo ng isang natatanging bagay. Bagama't tulad ito ng korelativong tiu, ginagamit lang ito mag-isa sa isang pangungusap.
Halimbawa: Tio estas la vero; Li trovos tion.; Tio necesas. -> Iyon ang katotohanan. Mahahanap niya iyon. Kailangan iyon. |
Korelativong Paari
baguhinAng salitang ties ay ginagamit upang ipahiwatig ang isang bagay at ito ay ari ng isang natatanging tao o bagay na maaaring natukoy na sa isang nakaraang pangungusap.
Halimbawa: Ties hundo bojas al mi.; Ties librojn mi legis.; Ties estas la mia. -> Tinahulan ako ng aso ng sinuman.; Binasa ko ang mga libro ng sinuman.; Ang kanya ay akin. |
Korelativong Pamook
baguhinAng salitang tie ay ginagamit upang magturo ng isang natatanging lugar.
Halimbawa: Tie estas mia hejmo.; Ni iru tien; La kato duŝas sin kaj viŝas sian vizaĝon tie. -> Nandoon ang aking bahay.; Punta tayo roon. Naliligo at hinuhugasan ng pusa ang kanyang mukha roon. |
Korelativong Pang-uri
baguhinAng salitang tia ay ginagamit upang magturo ng isang natatanging uri ng bagay.
Halimbawa: Tia konstruaĵo tre altas.; Mi ne volas manĝi tian frukton.; Mi tre ofte forgesas tiajn aferojn. -> Ang ganitong klase ng gusali ay sobrang tangkad.; Ayokong kumain ng ganyang klaseng prutas.; Ang ganong mga pangyayari ay sobrang dalas kong nakakalimutan. |
Korelativong Pampanahon
baguhinAng salitang tiam ay ginagamit upang magturo ng isang natatanging oras o panahon.
Halimbawa: Tiam mi ne pretas; Tiam estas por infanoj. Ne movu skatolon tiam. -> Hindi ako handa ng mga panahong iyon. Ang panahong iyon ay para sa mga bata. Huwag galawin ang kahon sa panahong iyon. |
Korelativong Pangdahilan
baguhinAng salitang tial ay ginagamit upang magturo ng isang natatanging dahilan.
Halimbawa: Tial mi malsaniĝis.; Vi ne timu tial.; Tial estas tro ofta. -> Sa dahilang iyon ako ay nagkasakit.; Huwag kang matakot dahil sa dahilang iyon. Ang dahilang iyon ay masyadong madalas. |
Korelativong Pamaraan
baguhinAng salitang tiel ay ginagamit upang magturo ng isang natatanging paraan ng paggawa ng isang bagay.
Halimbawa: Tiel mi eblas iri rapide al oficejo.; Ŝi studas kaj laboras tiel. Tia veturilo ne aŭtas tiel. -> Sa paraang iyon, maaari akong makapunta sa opisina ng mabilis.; Ganyan siya mag-aral at magtrabaho.; Ang ganyang sasakyan ay hindi minamaneho ng ganyan. |
Korelativong Pamilang
baguhinAng salitang tiom ay gimagamit upang magturo ng isang natatanging bilang o tumbas ng isang bagay.
Halimbawa: Vi ne devas verŝi tiom da salo.; Mi trinkis nur tiom. -> Dapat huwag kang maglagay ng ganyang kadaming asin. Uminom ako ng ganun lamang kadami. |
Mga Korelativong Pananong
baguhin
Ang mga korelativong pananong ay ginagamit madalas sa mga pananong na pangungusap. Maaari rin itong gamitin sa isang sugnay upang higit na magpaliwanag ukol sa isang bagay sa pangunahing pangungusap. Ang mga korelativong ito ay ang mga salitang sino, saan, at iba pa.
Korelativong Panao at Pamili
baguhinAng salitang kiu ay kasingkahulugan ng salitang sino o alin sa wikang Filipino, depende sa pagkakagamit nito.
Mga Korelativong Pangkalahatan
baguhinAng mga korelativong pangkalahatan ay ginagamit upang ituring ang lahat, o pangkalahatang grupo ng isang tao, hayop, o panahon.
Mga Korelativong 'Di-Tiyak
baguhinAng mga korelativong 'di-tiyak ay ginagamit upang ituring ang sinuman, o anuman.
Mga Korelativong Pasalungat
baguhinAng mga korelativong pasalungat ang kabaligtaran ng mga korelativong pangkalahatan. Imbes na itinuturing nito ang lahat, itinuturing nito ang wala ninuman o anuman.
Mga Korelativong Pagalaw
baguhinAng mga korelativong pamook ay tumutukoy sa isang pook kung saan nangyayari ang isang diwa. May konsepto rin ang Esperanto kung saan maaaring ihayag ang paggalaw ng isang ngalan papunta, ngunit wala pa, sa isang pook. Ang mga ito ay tinatawag na mga korelativong pagalaw. Ang mga korelativong ito ay binubuo lamang sa pamamagitan ng pagbanghay ng nararapat na korelativong pamook sa akusativong kaso.
Halimbawa: Johano iros nenien. Kien mi metos tion? Ŝi iris ien, sed mi ne scias kien. -> Si Johan ay hindi pupunta kung saan. Saan ko ilalagay iyan? Siya ay pumunta kung saan, ngunit 'di ko alam kung saan. |
Makikita sa halimbawa na tila 'di masyadong nag-iba ang mga korelativong pamook at pagalaw. Ngunit sa huling pangungusap, mapapansin na ibig sabihin nito ay pumunta ang babae sa kung saan, at nakarating siya sa looban nito. Kung ang pangungusap ay naging Ŝi iris ie, sinasabi lamang nito na siya ay pumunta sa kung saan, ngunit maaaring hanggang sa labas lang siya, o sa palibot nito pupunta.
Panurong Pangmalapitan
baguhinLahat ng mga korelativong panuro ay tumutukoy sa mga malalayong tao, bagay, o pangyayari. Upang tumukoy sa isang tao o bagay na malapit sa nagsasalita, maaaring dagdagan ng salitang ĉi ang unahan o hulihan ng korelativo. Tandaan na magkahiwalay na isinusulat ang ĉi mula rito.
Halimbawa: Ĉi tiu telefono estas la mia. Venu tie ĉi kaj ni dancu! -> Ang teleponong ito ay akin. Pumunta ka rito at tayo'y sumayaw! |
Makikita sa halimbawa na ang salitang ĉi ay ginagamit halos sa korelativong pamook o panuro lamang.
Talahanayan ng mga Korelativo
baguhinMatutunghayan sa taalahanayan sa ibaba ang lahat ng 45 na korelativo ng Esperanto. Isinama na rin rito ang mga korelativong pagalaw.
Panuro | Pananong | Pangkalahatan | 'Di-tiyak | Pasalungat | ||
---|---|---|---|---|---|---|
ti- | ki- | ĉi- | i- | nen- | ||
Pamili | -u | tiu | kiu | ĉiu | iu | neniu |
Panuro | -o | tio | kio | ĉio | io | nenio |
Paari | -es | ties | kies | ĉies | ies | nenies |
Pamook | -e | tie | kie | ĉie | ie | nenie |
Pang-uri | -a | tia | kia | ĉia | ia | nenia |
Pampanahon | -am | tiam | kiam | ĉiam | iam | neniam |
Pangdahilan | -al | tial | kial | ĉial | ial | nenial |
Pamaraan | -el | tiel | kiel | ĉiel | iel | neniel |
Pamilang | -om | tiom | kiom | ĉiom | iom | neniom |
Pagalaw | -en | tien | kien | ĉien | ien | nenien |