Esperanto/Balarila
Ang pahinang ito ay naglalaman ng salin ng 16 na patakaran ng balarilang Esperanto sa Tagalog. Ang wikang ito ay may mga sobrang simpleng patakaran na maaaring ilathala sa isang piraso ng papel. Sa gayon, maaari ring aralin o malaman ang kabuuan ng wika sa isang upuan lamang.
Ang mga patakaran na ito ay isinalin mula sa Ingles na bersyon ng Fundamento de Esperanto at hindi ito ang opisyal na Fundamento. Maaaring sumangguni lamang sa isang opsiyal na lathala ng Fundamento kung nais. |
Ang Alpabeto
baguhinAa, a tulad nang sa "apat" |
Bb, b tulad nang sa "baboy" |
Cc, ts tulad nang sa "bats" |
Ĉĉ, ts tulad nang sa "tseke" |
Dd, d tulad nang sa "daga" |
Ee, e tulad nang sa "benta" |
Ff, f tulad nang sa "fire" |
Gg, g tulad nang sa "gubat" |
Ĝĝ, dy tulad nang sa "dyip" |
Hh, h tulad nang sa "hati" |
Ĥĥ, ch tulad nang sa "chi" |
Ii, i tulad nang sa "ibon" |
Jj, y tulad nang sa "bayan" |
Ĵĵ, s tulad nang sa "vision" |
Kk, k tulad nang sa "kabit" |
Ll, l tulad nang sa "labi" |
Mm, m tulad nang sa "mali" |
Nn, n tulad nang sa "niyog" |
Oo, o tulad nang sa "tao" |
Pp, p tulad nang sa "pito" |
Rr, r tulad nang sa "parang" |
Ss, s tulad nang sa "sila" |
Ŝŝ, sy tulad nang sa "pasyon" |
Tt, t tulad nang sa "tulad" |
Uu, u tulad nang sa "ulam" |
Ŭŭ, w tulad nang sa "bawang" |
Vv, v tulad nang sa "even" |
Zz, z tulad nang sa "zebra" |
Paunawa - Kung hindi angkop o maaari ang paglimbag ng mga akdang may tuldik (ˆ, ˘), ang titik na h ay maaring gamiting para sa tuldik na (ˆ) at ang tuldik na (˘) ay maaring tuluyang tanggalin.
Mga Bahagi ng Pananalita
baguhin- Walang 'di tiyak, at mayroon lamang isang isang tiyak na pantukoy, ang la, para sa lahat ng kasarian, bilang, at kaso.
- Ang mga pangngalan ay binubo sa pamamagitan ng pagdagdag ng o sa salitang-ugat. Para sa maramihan, ang titik na j ay dapat ilagay sa isahang pangngalan. Mayroong dalawang kaso: ang palagyo at ang panlayon (akusativo). Ang salitang-ugat na may nakakabit na o ay ang palagyong kaso, ang panlayon ay mayroong n pagkatapos ng o. Ang ibang mga kaso ay nabubuo gamit ang mga pang-ukol; sa gayon, ang paari (dyenitibo) ng de, "ng"; ang 'di-tuwirang layon (datibo) ng al, "sa", ang kasangkapan (ablatibo) ng kun, "kasama ng", o iba pang mga pang-ukol ayon sa nais ipahiwatig. Hal. salitang-ugat patr, "tatay"; la patr'o, "ang tatay"; la patr'o'n, "ang tatay" (panlayon), de la patr'o, "ng tatay"; al la patr'o, "sa tatay"; kun la patr'o "kasama ang tatay"; la patr'o'j, "ang mga tatay"; la patr'o'j'n, "ang mga tatay" (panlayon), por la patr'o'j, "para sa mga tatay".
- Ang mga pang-uri ay binubuo sa pamamagitan ng pagdadagdag ng a sa salitang-ugat. Ang mga bilang at kaso ay pareho sa mga pangngalan. Ang pahambing ay binubuo sa pamamagitan ng paglapi ng pli (mas); ang sukdulan ng plej (pinaka-). Ang salitang kaysa ay tinutumbas ng ol, hal. pli blank'a ol neĝ'o, "mas maputi kaysa sa niyebe".
- Ang mga pamilang na kardinal ay hindi nagbabago ng anyo para sa mga iba't ibang kaso. Sila ay: unu (1), du (2), tri (3), kvar (4), kvin (5), ses (6), sep (7), ok (8), naŭ (9), dek (10), cent (100), mil (1000). Ang mga sampuan at isangdaanan ay binubuo sa pamamagitan ng simpleng pagdudugtong ng mga bilang, hal. 533 = kvin'cent tri'dek tri. Ang mga pamilang na ordinal ay binubuo sa pamamagitan ng pagdadagdag ng a sa mga pamilang na kardinal, hal. unu'a, "una"; du'a, "ikalawa", atbp. Ang mga multiplikativo (tulad ng "makatlo", "makaapat", atbp.) ay nagkakaroon ng obl, hal. tri'obl'a, "makatlo". Ang mga praksyon ay nagkakaroon ng on, tulad ng du'on'o, "kalahati". Ang mga pamilang na kolektibo ay nagkakaroon ng op, tulad ng kvar'op'e, "apatan". Ang bahaginang panlapi ay ang po, hal. po kvin, "lima bawat isa". Ang mga pang-abay na pamilang ay nagdadagdag ng e, hal. unu'e, "una (una sa lahat, ...)", atbp.
- Ang mga panghalip panao ay: mi, ako; vi, ikaw; li, siya (lalaki); ŝi, siya (babae); ĝi, ito; si, "ang sarili"; ni, "tayo"; ili, "sila"; oni, "nila", "mga tao", (Pranses na "on");
Ang mga panghalip paari ay nabubuo sa pamamagitan ng paghulapi sa kinakailangang panghalip panao ng duluhang pang-uri. Ang pagbanghay ng mga panghalip ay tulad nang sa mga pangngalan. Hal. mi, "ako"; mi'n, "ko" (panlayon); mi'a, "akin". - Ang pandiwa ay hindi nagbabago ng anyo ayon sa mga bilang o tao, hal. mi far'as, "Ako ay gumagawa", la patr'o far'as, "ang tatay ay gumagawa"; ili far'as, "sila ay gumagawa".
- Ang pangkasalukuyang panahunan ay nagtatapos sa as, hal. mi far'as, "ako ay gumagawa".
- Ang pangnagdaang panahunan ay nagtatapos sa is, hal. li far'is, "siya (lalaki) ay gumagawa".
- Ang panghinaharap na panahunan ay nagtatapos sa os, hal. ili far'os, "sila ay gumagawa".
- Ang panakaling kalagayan ay nagtatapos sa us, hal. ŝi far'us, "siya (babae) ay maaaring gumagawa".
- Ang pautos na kalagayan ay nagtatapos sa u, hal. ni far'u, "gawin natin".
- Ang pawatas ay nagtatapos sa i, hal. fari, "gawin".
Mayroong dalawang uri ng pandiwari sa pandaigdigang wika, ang nagbabago o pang-uri, at ang 'di nagbabago, o pang-abay. - Ang pangkasalukuyang pandiwaring tahasan ay nagtatapos sa ant, hal. far'ant'a, "siya na gumagawa"; far'ant'e, "nang ginagawa".
- Ang pangnagdaang pandiwaring tahasan ay nagtatapos sa int, hal. far'int'a, "siya na gumawa"; far'int'e, "nang nagawa".
- Ang panghinaharap na pandiwaring tahasan ay nagtatapos sa ont, hal. far'ont'a, "siya na gagawa"; far'ont'e, "nang gagawin".
- Ang pangkasalukuyang pandiwaring balintiyak ay nagtatapos sa at, hal. far'at'e, "nang ginagawa".
- Ang pangnagdaang pandiwaring balintiyak ay nagtatapos sa it, hal. far'it'a, "ang bagay na nagawa", far'it'e, "nang nagawa".
- Ang panghinaharap na pandiwaring balintiyak ay nagtatapos sa ot, hal. far'ot'a, "ang bagay na gagawin"; far'ot'e, "nang gagawin".
Lahat ng uri ng mga balintiyak ay ginagamit kasama ang kanilang katumbas na uri ng pandiwang est' (ay) at ang pandiwaring balintiyak ng kinakailangang pandiwa; ang pang-ukol na ginagamit ay de, "ng". Hal. ŝi est'as am'at'a de ĉiu'j, "siya (babae) ay minamahal ng lahat".
- Ang mga pang-abay ay binubuo sa pamamagitan ng pagdagdag ng e sa salitang-ugat. Ang antas ng paghahambing ay tulad ng mga pang-uri, hal. mi'a frat'o kant'as pli bon'e ol mi, "mas magaling kumanta ang aking kuya kaysa sa akin".
- Lahat ng mga tinutukoy ng mga pang-ukol ay nasa kasong palagyo.
Mga Pangkalahatang Patakaran
baguhin- Ang bawat salita ay binabasa ayon sa pagkakabaybay nito, walang mga titik na hindi binibigkas.
- Ang punto ay nasa una bago ang huling pantig (malumay).
- Ang mga tambalang salita ay binubuo sa pamamagitan ng simpleng pag-ugnay ng mga salitang-ugat, (ang pangunahing salita sa hulihan), na isinusulat bilang iisang salita. Ngunit sa mga sinaunang mga lathala, nakahiwalay ang mga ugat gamit ang isang kudlit ('). Ang mga hulapi ay tinuturing na isang salita. Hal. vapor'ŝip'o, "barkoong bapor", ay hango mula sa mga salitang-ugat na vapor, "singaw", at ŝip, "bangka, barko", kasama ang hulaping o.
- Kung may isang negatibo sa isang sugnay, hindi maaaring maglagay ng isa pa.
- Sa mga pariralang sumasagot sa tanong na "papunta saan?", ang mga salitang yaon ay nakabanghay sa panlayong kaso; hal. kie'n vi ir'as? "saan ka papunta?"; dom'on, "papuntang bahay"; London'o'n, "papuntang London", atbp.
- Ang bawat pang-ukol sa pangdaigdigang wika ay may tiyak at nakapirming kahulugan. Kung kinakailangang gumamit ng isang pang-ukol ngunit hindi malaman mula sa nais ipahiwatig ang nararapat, ang pang-ukol na je, na walang tiyak na kahulugan, ay ginagamit. halimbawa, ĝoj'i je tio, "magdiwang ukol dito"; rid'i je tio, "tawanan ito"; enu'o je la patr'uj'o, "ang pagkasabik sa sariling bayan". Sa bawat wika, iba't ibang mga pang-ukol ang ginagamit para sa mga di tiyak na kasong ito. Sa pangdaigdigang wika, sapat na ang je. Bukod sa je, ang panlayon ng walang pang-ukol ay maaari ring gamitin kung hindi ito nakakalito.
- Ang mga tinatawag na "banyagang" salita, o mga salitang kinuha ng mga iba't ibang wika mula sa iisang wika, ay hindi magbabago kung isasalin sa pangdaigdigang wika maliban sa pagbabaybay nito sa alpabeto. Gayon din ang patakaran sa mga pangunahing salita. Ang mga deribatibo (na galing sa isang pangunahing salita) ay mas nais na isalin gamit ang mga patakaran ng pangdaigdigang wika, hal. teatr'o, "tanghalan", ngunit teatr'a, "patanghal (na ano)", (hindi teatrical'a), atbp.
- Ang a ng pantukoy, at ang dulong o ng mga pangngalan ay maaaring tanggalin kung maganda ito pakinggan, hal. de l'mond'o para sa de la mond'o; Ŝiller' para sa Ŝiller'o; sa mga ganitong kaso, kailangan palitan ng kudlit ang tinanggal na patinig.