Esperanto/Ang Alfabeto at Punto

Ang wikang Esperanto ay ginawa upang madaling aralin ng kahit sino. Dahil sa pilosopiyang ito, ginawa ang sistema ng alfabeto at punto nito upang maging madaling aralin sa isang upuan.

Ang Alfabeto

baguhin

Mayroong 28 titik ang alfabetong Esperanto. Binubuo ito ng 22 na ginagamit na sa wikang Filipino, at anim na dagdag na titik na hindi mahahanap sa kahit anong wika sa daigdig.

A B C Ĉ D E F G Ĝ H Ĥ I J Ĵ K L M N O P R S Ŝ T U Ŭ V Z
a b c ĉ d e f g ĝ h ĥ i j ĵ k l m n o p r s ŝ t u ŭ v z

Mga Patinig

baguhin

Ang pagbibigkas ng mga patinig ay tulad ng pagbigkas ng mga ito sa wikang Filipino.

Malaking Titik Maliit na Titik IPA Halimbawa
A a a aklat
E e e tela
I i i ingay
O o o pito
U u u ulam

Mga Katinig

baguhin

Ang pagkakabigkas ng mga katinig ay may halintulad rin sa wikang Filipino. Ngunit ang iba sa mga ito ay wala sa wikang Filipino, pero nasa wikang Pranses, Rusa, Ingles, atbp.

Malaking Titik Maliit na Titik IPA Halimbawa
B b b bigas
C c t͡s
Ĉ ĉ t͡ʃ tseke
D d d dati
F f f
G g ɡ galaw
Ĝ ĝ d͡ʒ dyip
H h h harana
Ĥ ĥ x
J j j, i̯ bayaw
Ĵ ĵ ʒ
K k k kabit
L l l linggo
M m m mangga
N n n nayon
P p p pagong
R r r rinig
S s s salita
Ŝ ŝ ʃ pasyon
T t t talong
Ŭ ŭ bawang
V v v
Z z z

Ang Punto

baguhin

Ang Esperanto ay binibigkas sa pamamagitan ng pagsabi ng mariin sa isang silaba sa isang salita. Ang punto ng lahat ng mga salita sa wikang Esperanto ay nasa pangalawa bago ang huling silaba.

Pagbigkas

baguhin

Ang Esperanto, tulad ng wikang Filipino, ay binibigkas ayon sa kung paano ito nakasulat. Kumbaga, "kung ano ang bigkas ay siya ring baybay". Bawat letra na nakabaybay sa isang salita ay kailangan bigkasin.

Mga Diptongo

baguhin

May mga diptongo ang Esperanto, tulad ng sa wikang Filipino. Ang mga diptongo ay dalawang magkasunod na patinig na binibigkas bilang iisa. Madalas na ang mga diptongo ay nagtatapos ng "j" o "ŭ", mga malapatinig.

Mga Klaster

baguhin

May mga klaster ng mga katinig rin sa Esperanto. Ang mga klaster ay dalawang magkasunod na katinig na binibigkas bilang iisa. Tulad sa wikang Filipino, ang mga klaster sa Esperanto ay maaaring dulog ng "r". May mga klaster ring hindi mahahanap sa wikang Filipino, tulad ng "gv" at "kv". Isang klaster rin ang mga grupo na nagtatapos sa "j" tulad ng "nj".

Mga Magkaparehong Patinig

baguhin

May mga salita sa Esperanto, tulad ng "ĝuu", "kriis", at "sciis", ay binubuo ng dalawang magkapareho at magkasunod na patinig. Ang bawat isa sa mga patinig na ito ay kailangan bigkasin ng may tamang punto.

Sa Tunay na Pagsasalita

baguhin

Sa tunay na pagsasalita, ang mga diptongo, klaster, at mga magkaparehong patinig ay nag-iiba ng pagkakabigkas para mapadali ito. Ang mga klaster na "nj" at "ng" ay maaring bigkasin bilang /ɲ/ at /ŋ/ imbes ng /n-j/ at /n-g/. Ang mga magkaparehong patinig ay nagiging iisa at binibigkas bilang isang mahabang patinig na lamang.

Pagsasanay

baguhin

Bigkasin ang mga sumusunod na simpleng salita na nakasulat sa wikang Esperanto.

Mga Pagsasanay
merkredo - merkredo

arbo, birdo, centro, ĉefo, dento, enero, fajro, glavo, ĝojo, hanto, ĥoro, ino, jupo, ĵurnalo, kato, lernejo, mojoso, nazo, orelo, patro, reto, seĝo, ŝafo, terpomo, ulo, vesto, zorgo

Ikalawa

baguhin

Bigkasin ang mga sumusunod na salitang may mga diptongo at klaster sa wikang Esperanto.

Mga Pagsasanay
gvido - gvido

antaŭ, bedaŭrinde, citrono, ĉirkaŭ, drato, ekster, febrero, gvardano, ĝajnismo, hejmen, ĥroro, inĝeniero, jurisdikcio, ĵaŭdo, kvazaŭ, lingvo, membro, naskiĝtago, onklino, preter, renkontis, scias, ŝlosilo, trinkejo, unuvorte, verŝajne, zebro

Ikatlo

baguhin

Isulat ang mga sumusunod na salitang Tagalog at Ingles sa alfabetong Esperanto.

Mga Pagsasanay
kilala, tradition - kilala, tradiŝon

siya, sila, pagkakakilanlan, pangngalan, kamukha, tsokolate, masyado, mangga, kinikilig, paglago, paaralan, gumawa, pintasan program, code, internet, terminal, kitchen, soup, writer, dance, flower, song, playwright, cake, bagels, number, mathematics

Ikaapat

baguhin

Mahuhulan mo ba ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa Esperanto? Subukan mo!

Mga Pagsasanay
marso - marso, ang pangatlong buwan ng taon

sabato, lerno, birdo, maŝino, kristo, minuto, fiŝo, sinjoro, festo, mano, parto, metro, fingro, medikamento, prezentas, filmo, teatro, komitato, telefono,