Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

2 kutsara mantika
1 kutsarita tinadtad na bawang
1 piraso maliit na luya, hiniwang pahaba
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 kilo manok, hiniwa sa maliliit na piraso
1 kutsara patis pantimpla
1 tasa malagkit na bigas
6 tasa tubig o sabaw na pinaglagaan ng manok
½ tasa tinadtad na sibuyas na mura
½ tasa piniritong bawang

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  2. Idagdag ang manok at sangkutsahin.
  3. Timplahan ng patis ayon sa panlasa.
  4. Isama ang malagkit.
  5. Magbuhos ng sapat na tubig o sabaw para maluto ang bigas at lumambot ang manok.
  6. Ihaing may sibuyas na mura at piniritong bawang sa ibabaw.