Buksan ang pangunahing menu


SangkapBaguhin

½ kilo malalaking hipon
½ kutsarita asin
1 kutsara katas ng kalamansi

BatterBaguhin

1 piraso itlog, bahagyang binati
1 tasa malamig na tubig
1 ½ kutsarita baking powder
1 ½ tasa arina
¼ kutsarita asin
1 tasa mantikang pamprito

Sweet and Sour SauceBaguhin

1 tasa tubig
1 kutsarita asukal
2 kutsara ketchup
1 ½ kutsarita hot sauce
¼ kutsarita asin
1 kutsarita cornstarch na tinunaw sa kaunting tubig

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Balatan ang hipon pero huwag tanggalin ang mga buntot.
  2. Hiwaan sa likod para matanggal ang itim na ugat.
  3. Hiwa-hiwaan ng bahagya ang hipon para hindi kumulot kapag pinirito.
  4. Ibabad sa asin at katas ng kalamansi.

Para sa paghahanda ang batterBaguhin

  1. Paghaluin ang itlog at tubig.
  2. Idagdag ang baking powder, arina at asin.
  3. Haluing maigi.
  4. Ilubog ang hipon sa batter at iprito sa mainit na mantika hanggang lumutong.
  5. Ihain kasama ng sweet and sour sauce.

Para sa paghahanda ang sweet and sour sauceBaguhin

  1. Paghaluin sa maliit na kaserola ang tubig, asukal, ketchup, hot sauce at asin.
  2. Pakuluin.
  3. Palaputin ng tinunaw na cornstarch.